Masayang nag-bonding ang magkaibigan na sina Rufa Mae Quinto at Donita Rose nang magkita sila sa isang Restaurant sa bangsang Amerika

Ang liit talaga ng mundo kung ating iisipin dahil kahit nasaang lupalop ka man naroroon ay mayroon talagang tayong makikitang kakilala na hindi natin inaasahan.

Image courtesy: Rufa Mae Quinto/Instagram

Ito ay maaaring katrabaho, kamag-anak, kapit-bahay o ang iyong matalik na kaibigan. Nagiging oportunidad din ito para sa atin upang makamusta ang kanilang buhay at makabonding lalo na kung matagal na din kayong hindi nagkita. Tulad na lamang ng dalawang aktres na nagkita sa isang restaurant sa Amerika.

Image courtesy: Rufa Mae Quinto/Instagram

Makikita sa Instagram account ng kilalang aktres at komedyante na si Rufa Mae Quinto ang pagkikita nila ng kanyang kaibigan na si Donita Rose sa isang restaurant sa Amerika.


Image courtesy: Rufa Mae Quinto/Instagram

Sa litrato mapapansin ang saya nilang dalawa habang kinukuhaan nila ng litrato ang kanilang mga sarili. Mapapansin natin sa kanilang mga litrato na tila hindi sila nagkakaedad dahil sa taglay nilang kagandahan na hindi kumukupas.


Image courtesy: Rufa Mae Quinto/Instagram

Maliban dito ay may isa pang litrato na kung saan makikita si Donita na karga ang kanyang anak habang kumukuha ng litrato ang aktres na si Rufa Mae.

Ang mga ganitong kaganapan ay minsan na lang dumadating sa ating buhay dahil habang tayo ay nagkakaedad ay nagiging abala na tayo sa mga gawain at responsibilidad natin sa ating pamilya.


Image courtesy: Rufa Mae Quinto/Instagram

Hindi man aktibo sa ngayon ang dalawang aktres sa larangan ng showbusiness ay makikita naman na masaya sila sa kanilang buhay na tinatahak.


Image courtesy: Donita Rose/Instagram

Saad ni Rufa sa kanyang post na siya ay nagpapasalamat kay Donita sa pagkakaroon ng oras upang makipagkita at makipag bonding sa kanya. Dagdag pa niya na sobrang saya niya na makita ang kanyang kaibigan na si Donita. Dahil dito naalala niya yung dati nilang proyekto na sila ay magkasamang dalawa na naging simula ng pagkamit nila ng tagumpay sa buhay.


Image courtesy: Donita Rose/Instagram

Kasalukuyang busy ang dalawang aktres sa kani-kanilang buhay. Kung nais na maantabayanan ninyo si Rufa Mae ay mayroon siyang Youtube Channel na kung saan mapapanuod mo doon ang kakulitan na hanggang ngayon ay hindi parin kumukupas.


Image courtesy: Donita Rose/Instagram

Kung namimiss mo naman si Donita Rose ay maari mo naman siyang I follow sa kanyang Instagram account upang maging updated sa mga balita tungkol sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.