Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ang kaniyang natagpuan na mga lumang litrato na kasama ang kaniyang dalawang anak na babae

Nakakamangha talaga ang teknolohiya natin dahil sa bilis nitong mag-improve sa bawat taon na dumadaan. Maraming mga bagay na ang naitulong sa atin lalo na sa pang-araw-araw nating mga ginagawa at mas pinagaan nito ang mga bagay na ating kinahiligan.


Image courtesy: Ruffa Gutierrez/Instagram

Tulad ng pagkuha ng litrato gamit ang ating smartphone. Isang click at makikita mo agad ang iyong litrato at pwede mo pa maitago sa pamamagitan ng isang cloud at higit sa lahat maaari mo din mareproduce hangga’t gusto mo.


Image courtesy: Ruffa Gutierrez/Instagram

Sa tuwing may gusto kang balikan ay napakadali na lang tingnan ito dahil sa isang click ay makikita at mababalikan mo ang mga ala-ala na ayaw mong malimutan.


Image courtesy: Ruffa Gutierrez/Instagram

Tulad na lamang ng napakagandang aktres na si Ruffa Gutierrez na habang nagba-browse sa kanyang mga album ay tumambad sa kanya ang mga lumang litrato ng kanyang dalawang anak na si Lorin at Venice.


Image courtesy: Ruffa Gutierrez/Instagram

Sa kanyang pagkatuwa ay agad-agad naman niyang ibinahagi sa mga netizens ang nasabing litrato na ikinatuwa naman ng mga netizens. Maliban sa mga litrato ay may kaakibat pa itong mahabang mensahe na talaga namang nakakatunaw ng damdamin at puso.


Image courtesy: Ruffa Gutierrez/Instagram

Ang nasabing litrato ay noong mga bata pa ang anak ni Ruffa Gutierrez. Maliban dito may litrato din na kung saan ito ay isang sulat na humihingi ng paumanhin sa kanyang ina at meron ding nakasulat na bumabati ng Mother’s Day.


Image courtesy: Ruffa Gutierrez/Instagram

Saad ng aktres na ang litrato na kung saan ay may nakasulat na humihingi ng paumanhin ay galing sa anak niyang si Venice noong siya ay 9 na taon gulang pa lamang samantala ang litrato naman na kung saan ay may nakasulat ng pagbati noong Mother’s Day ay galing naman sa anak niyang si Lorraine.


Image courtesy: Ruffa Gutierrez/Instagram

Dahil dito nakapagbigay ng magandang mensahe ang aktres para sa mga netizens na nagsasabi na hangga’t tayo ay buhay pa, hindi pa huli ang lahat na magsimula ulit sa mga pangyayari na akala natin katapusan na.


Image courtesy: Ruffa Gutierrez/Instagram

Hangga’t maaari ay mas piliin natin na makasama madalas at maglaan ng oras para sa mga taong mahal natin lalo na ngayong may pinagdadaanan tayo at huwag kalimutan na mahalin ang isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.