Nagbakasyon ang mag-ina na si Vina Morales at Ceana sa Bataan, “A mother and a daughter always share a special bond”

Ano mang busy at dami ng ating trabaho ay dapat magbigay at maglaan pa rin tayo ng oras sa ating pamilya lalong-lalo na sa ating mga anak. Ika nga nila hangga’t bata pa ang ating mga anak ay sulitin na natin ang ating oras upang makasama at makasabay sa mga gusto nilang gawin dahil hindi na natin maibabalik ang mga oras at panahon ng kanilang pagiging bata.

Walang magulang na naghangad na hindi nila makasama ang kanilang mga anak, dahil para sa kanila ang anak ang pinakamahalaga at importanteng tao para sa kanila. Kaya naman bawat ina ay mayroong sariling paraan para makasama at magkaroon ng oras sa kanilang mga anak at magkaroon ng bonding.

Minsan may mga pagkakataon pang umuuwi tayo ng ating tahanan at una nating hinahanap ang ating ina kahit na nadyan ang ating ama.


Image courtesy: Vina Morales/Instagram

Katulad na lamang ng mag-inang Vina Morales at Ceana na ginawang paraan ang pagbabakasyon upang magkaroon sila ng bonding sa isa’t isa sa Morong, Bataan.


Image courtesy: Vina Morales/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Vina Morales ang isang larawan at post na kaniyang ibinahagi na kung saan ay nagsasabi na ang pagsasama ng mag-ina ay nagbibigay ng isang napaka-espesyal na bonding sa kanilang dalawa na mananatiling alaala at uukit sa kanilang mga puso.


Image courtesy: Vina Morales/Instagram

Ang nasabing larawan at papamasyal nila ay kinunan pa bago ang ECQ. Hindi matawaran ang sayang nararamdaman ng mag-ina sa isa’t isa. Kaya naman, ang nasabing post ay umani ng napakaraming likes at mga positibong komento.


Image courtesy: Vina Morales/Instagram

Sharon Garcia Magdayao o mas kilala bilang si Vina Morales ay ipinanganak noong Oktubre 17 taong 1975 sa Bogo, Cebu at kasalukuyang 45 taong gulang na.


Image courtesy: Vina Morales/Instagram

Siya ay kapatid ng kilalang aktres at mananayaw na si Shaina Garcia Magdayao. Ang kaniyang nag-iisang anak ay si Ceana na ipinanganak noong 2009 sa kaniyang naging karelasyong businessman na si Cedric Lee na kalaunan ay naghiwalay din.

Leave a Reply

Your email address will not be published.