Ibinahagi ni Janella Salvador ang First Swim ng kaniyang Baby Jude sa araw ng kaniyang ika dalawampu’t tatlong kaarawan na bilang isang ganap nang ina

Hindi mapapantayan ang saya ng isang bagong ina kung ito ang unang pagkakataon na magbonding kayo sa isang bagay. Sa unang beses na malaman mo na ikaw ay nagdadalang-tao ay madami na agad ang papasok sa isipan mo na gagawin kasama ang iyong anak.


Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman at nananalangin na sana ay lumabas na ang iyong anak sa sinapupunan para makasama mo siya sa mga adventures ng buhay mo.

Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Tulad na lamang ng kilalang aktres at bagong ina na si Janella Salvador na hindi napigilang ibahagi ang kanyang karanasan bilang isang ina sa kanyang 23 kaarawan.

Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Simula nang manganak ang aktres at ipinakilala niya ang kanyang anak sa mundo ay sunod-sunod ang kanyang mga ibinabahagi tungkol dito sa sarili niyang Instagram account.

Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Nito lang ding nakaraang linggo ay nagdiwang siya ng kanyang ika-23 kaarawan na kung saan masaya din niyang ibinahagi ang unang pagkakataon na kasama niya ang kanyang anak sa pag-swimming.

Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Saad niya na balak niya na mag-swimming sa ibang lugar ngunit sa panahon ngayon ay hindi ito pupwede. Kung kaya naisipan niya na bumili na lamang ng isang maliit na swimming pool at doon isagawa ang nais niya.

Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Mapapansin naman sa litrato ang saya sa mukha ng mag-ina habang nakalublob sa tubig. Ito umano ang unang pagkakataon na mag-swiswimming ang kanyang anak na si Jude kung kaya excited din ang ina na si Janella.

Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Si Janella Maxine Desiderio Salvador o mas kilala sa pangalang Janella Salvador ay ipinanganak noong Marso 30,1998. Nakilala ang aktres sa serye na pinamagatang Be Careful with My Heart kasama ang iba pang mga batikang artista tulad ni Jodi Sta Maria.

Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Nito lamang nakaraang taon, buwan ng Oktubre ay nanganak siya sa kanyang panganay at pinangalanan nila itong Jude. Si Markus Paterson ang ama ng kanyang anak at kasalukuyang kasintahan ng aktres.

Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Hinihintay na lang ng dalawa ang tamang oras kung kailan sila magpapakasal dahil ang prayoridad nilang dalawa sa ngayon ay ang pagpapalaki sa kanilang anak na si Jude.

Leave a Reply

Your email address will not be published.