Ipinagdiwang ni Jinri Park at ng kaniyang asawang si John ang kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa

Isang taon na ang lumipas nang ikasal ang South Korean Model at aktres na si Jinri Park sa kaniyang asawa na si John at ngayon sila ay nagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa.


Image courtesy: Jinri Park/Instagram

Sinong mag-aakala na ang isang banyaga na Koreana ay mas pipiliin na manirahan sa Pilipinas at hindi matatawaran ang pagmamahal niya sa mga Pilipino.


Image courtesy: Jinri Park/Instagram


Image courtesy: Jinri Park/Instagram

Maraming love story na ang ating natunghayan sa social media na ibinahagi ang kani-kanilang nakakamangha na istorya ng pagmamahalan.


Image courtesy: Jinri Park/Instagram

Tulad na lamang ng pagmamahalan ni Jinri Park at John na talaga namang hinangaan ng lahat na kung saan binigyan rin ng hindi magandang komento noon galing sa mga netizens.


Image courtesy: Jinri Park/Instagram

Ang dahilan ng hindi maganda nilang komento at pagtutol sa kanilang relasyon ay dahil sa hindi raw umano sila bagay ng modelang si Jinri Park. Ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan na pagmamahalan kundi ito ang mas nagpatatag sa kanila sapagkat totoo ang hangarin nila sa isa’t-isa.


Image courtesy: Jinri Park/Instagram

Ang kasalan ng dalawa ay ginanap nitong nakaraang taon lamang Marso 21, 2020, na kung saan binati ni Jinri Park ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng pagpost niya sa kaniyang Instagram ng mga litrato noong araw mismo ng kanilang simpleng kasalan.

 


Image courtesy: Jinri Park/Instagram

Saad ni Jinri Park sa kaniyang IG Account na hindi siya makapaniwala na nairaos nila ang buong taon magkasama habang nagaganap ang malawakang pandemya. Hindi man daw natuloy ang kanilang magarbong kasal, ang importante para sa kaniya ay sila ay legal ng ikinasal.


Image courtesy: Jinri Park/Instagram


Image courtesy: Jinri Park/Instagram

Pinasalamatan niya ang kaniyang asawa sa walang sawang suporta nito at pagmamahal sa kaniya. Dagdag pa ni Jinri na siya ay lubos na nagpapasalamat rin dahil sa walang tigil nitong pag-iintindi at sa palaging pananatili ni John sa kaniyang tabi. “Happy Anniversary My Love.”


Image courtesy: Jinri Park/Instagram

Ang kanilang kasal noong nakaraang taon ay ginanap sa Sydney, Australia na ginawa sa napakasimpleng paraan lamang. Ibinahagi rin ni Jinri ang ilan sa mga litrato na nagpapakita na siya ay nakasuot lamang ng simpleng puting dress at nakadisplay ang kaniyang class look na side-swept bangs at nakapony tail.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *