Ibinahagi ni Jayson Gainza ang kanilang masayang bakasyon at taping sa Dakak Beach Resort

Isa sa napakasarap na trabaho ay ang kumikita ka ng salapit habang ikaw ay nakakapagrelax o bakasyon sa ibang lugar. Marami sa atin ang pinapangarap ang ganitong klaseng trabaho sapagkat nakakalabas-labas ka at hindi nakakulong lamang sa opisina.

Isa sa mga trabaho na katulad nito ay ang pag-aartista sapagkat karamihan sa mga shooting ng isang palabas ay karaniwang isinasagawa sa ilang magagandang lugar o mga tourist spot upang mas mapaganda ang proyektong isinasagawa.

Nakakapagod man maging isang artista dahil inaabot ang shooting kung minsan nang magdamag ngunit sulit naman ang lahat ng pagod kapag natapos na ang inyong ginagawang palabas dagdag pa ang masayang karanasan sa inyong napuntahan ng iyong kapwa katrabaho.

Isa na rito ay ang artista at komedyante na si Jayson Gainza. Si Jayson ang isa sa may pinakamapalad na trabaho dahil bukod sa kumikita siya ng sapat na salapi mula sa kaniyang pagiging artista, naipagsasabay pa nito ang magrelax at magsaya.

Nagawa ito ni Jayson nang sila ay magshooting ng kanilang show sa Dakak Beach Resort. Dahil sa angking talento at dedikasyon ni Jayson sa kaniyang trabaho ay naabot niya ang lahat ng ito. Mapalad si Jayson Gainza dahil napakaraming nagmamahal sa kaniya na kaniyang katrabaho dahil sa napakasaya at napakagaan nitong kasama.

Sa katunayan, nagbahagi pa nga si Jayson Gainza ng kaniyang mga napakagandang litrato na ating makikita na masayang-masaya ang komedyante sa lahat ng mga activity na maaaring gawin sa nasabing Resort.

Talagang hindi pinalampas ni Jayson at mga kapwa aktor at aktres na sulitin ang kanilang pagpunta sa naturang lugar. Gayunpaman, ang pinakaprayoridad pa rin nila ay ang isagawa ang kanilang pinakalayunin na kung saan sila’y nagpunta roon upang magtrabaho at bonus na lamang ang sila’y makapagenjoy kahit sandali.

Kahit sikat na sikat na ang aktor na si Jayson Gainza, siguro ay may iilan pa rin na hindi nakakakilala sa aktor kung kaya’t magbibigay tayo ng kaunting impormasyon at detalye tungkol sa buhay ng aktor.

Si Jayson Gainza ay isa sa mga housemate sa bahay ni Kuya at ang nakasungkit 2nd Big Placer sa naturang patimpalak. Siya ay nakilala bilang isa sa pinakanakakatawa sa bahay ni kuya na kung saan kasama niya sa mga kalokohan ang kaniyang kapwa housemate na si Franzen Fajardo.

Dito na nagsimula at namayagpag ang karera ni Jayson Gainza sa mundo ng showbusiness. Itinuloy ni Jayson ang kaniyang karera sa mundo ng pagiging artista at talaga namang tinangkilik siya ng mga manunuod dahil na rin sa kaniyang angking galing sa pagpapatawa at pag-arte.

Leave a Reply

Your email address will not be published.