Ito na ngayon ang buhay ni Donita Rose sa Amerika na isang ganap nang Corporate Chef ng isang Supermarket Chain

Maraming mga celebrity ang hindi na natin nakikita ngayon at wala na tayo masyadong balita mula sa kanila. Ang mga celebrity na ito ay isa sa mga tumatak sa ating mga puso at isipan at naging inspirasyon natin sa ating buhay.


Image courtesy: Donita Rose/Instagram


Image courtesy: Donita Rose/Instagram

Ngunit saad nga ng nakararami na hindi lahat ng ating nakasanayan ay iyon na ang ating gagawin hanggang sa huli. Nawala at nilisan man nila ang nasimulan sa industriya ng pag-aartista, ito naman ay para sa ikakabuti at ikakaunlad ng kanilang buhay kung kaya masaya pa din ang mga tagahanga kung nasaan man ang mga celebrity na kanilang hinahangaan.


Image courtesy: Donita Rose/Instagram

Tulad na lamang ng dating aktres na hinahangaan at tinitingala na si Donita Rose na ngayon ay isa nang ganap na Corporate Chef sa Amerika.


Image courtesy: Donita Rose/Instagram

Ang aktres ay isang Filipino Amerikan na ipinanganak noong Disyembre 5, 1974 sa Utah. Ang totoo nitong pangalan ay Donita Rose Ramos Cavett pero kilala siya sa showbusiness industry bilang si Donita Rose.


Image courtesy: Donita Rose/Instagram

Una siyang nakilala bilang isang DJ sa MTV Asia. Maliban sa pagiging Dj ay naging parte din siya ng mga entertainment show bilang isang host at makalaunan ay nagkaroon ng sarili niyang pelikula at naging parte na din ng iba’t-ibang pelikula at programa sa telebisyon.


Image courtesy: Donita Rose/Instagram

Hindi mapantayan ang galing ng aktres pagdating sa pag-arte at paghohost. Hanggang sa ngayon ay nakikita pa din siya sa ibang mga pelikula ngunit hindi na tulad ng dati na sobrang aktibo niya.


Image courtesy: Donita Rose/Instagram

Dahil ito sa kadahilanan na nagpursigi siya maging isang Chef sa US. Makikita sa kanyang social media ang isang litrato na kung saan nakasuot umano ito ng uniporme ng isang chef.


Image courtesy: Donita Rose/Instagram

Saad niya sa kanyang post na siya ay isang nang opisyal na chef ng Island Pacific Market at nakatalaga sa research and development.


Image courtesy: Donita Rose/Instagram

Dagdag pa niya na maghintay lang umano ang kanyang mga tagasubaybay sa mga upgraded na pagkaing pinoy na kanilang ginagawa ng kanyang mga kasama tulad ng kilalang aktres na si G. Tongi at ni Maricel Aguilar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *