Siya si Javi Benitez, ang napakaguwapong nobyo ng aktres na si Sue Ramirez

Marami tayong mga iniidolong artista na kilala at sinusubaybayan ganoon din ang mga taong nagpapatibok sa kanilang mga puso. Madalas kapwa celebrity din nila ang mga ito na kung saan ay ubod din ng gwapo at ganda.

Image courtesy: Javi Benitez/Instagram

Nakakakilig na makita ang couple celebrity na magkasama at madalas na magbonding sa isa’t-isa. Sa sobrang proud at pagmamahal nila sa kanilang partner ay madalas nilang ibahagi ang mga hindi malilimutang kaganapan nila sa kanilang buhay sa pamamagitan ng social media.

Kung kaya tayong mga netizens ay madalas nakaabang sa mga litratong ito upang matunghayan ang mga hindi kumukupas na kagandahan at kagwapuhan ng ating mga paboritong celebrity couple.


Image courtesy: Javi Benitez/Instagram

Marami ang nakakakilala sa aktres na si Sue Ramirez at siguro naman alam natin kung sino ang taong nagpapatibok ng kanyang puso at ito ay walang iba kundi si Javi Benitez.


Image courtesy: Javi Benitez/Instagram

Si Javi Benitez ay anak ng isang kilalang politiko na si Albee Benitez ng Negros Occidental. Maliban sa pagiging kilalang pulitiko ng ama ni Javi ay isa din itong kilalang negosyante.


Image courtesy: Javi Benitez/Instagram

Unang nakilala si Javi Benitez noong 2008 nang siya ay magkaroon ng maliit na parte sa Studio 23’s sport themed tv show na tinatawag na Sports Kid.


Image courtesy: Javi Benitez/Instagram

Lumiban din ito makalaunan at nagpatuloy sa pag-aaral ngunit bumalik din sa isang tv segment na pinamagatang ANC’s Game Changer noong 2016.


Image courtesy: Javi Benitez/Instagram

Makalipas ang ilang taon ay naging isa siya sa mga bagong artista ng Kapamilya Network at ang una niyang naging proyekto ay ang pagiging isang businessman sa programang The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin.


Image courtesy: Javi Benitez/Instagram

Nagkaroon din ang gwapong aktor ng sarili niyang pagbibidahan na programa at ito ay ang Kid Alpha One na pelikula. Madami pang mga programa ang naging parte ang aktor na talagang naging daan upang makilala siya sa larangan ng showbusiness.


Image courtesy: Javi Benitez/Instagram

Nito lamang nakaraang taon si Javi Benitez at Sue Ramirez ay naging usap-usapan sa social media dahil sa paghihinala ng mga netizens na mayroon ngang relasyon ang dalawang artista. Makalaunan inamin naman ng dalawa ang kanilang pagmamahalan at madami sa mga netizens ang natuwa sa balitang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.