Tinupad ng aktor na si Ken Chan ang pabirong kahilingan ng kaniyang ina na regaluhan siya ng kulay pulang sasakyan

Ang bawat artista na ating kilala ay may kanya-kanyang mga kwento sa buhay na kung saan ay kanila namang ibinabahagi sa kanilang mga tagasubaybay upang kapulutan din ng aral.

Image courtesy: Ken Chan/Instagram

Base sa kanilang mga kuwento ay nagsimula lamang ito sa simpleng usapan o biruan at makalaunan naging pangarap at ngayon kanilang tinupad.

Sa mga pangarap na natutupad ay saya at tuwa ng kanilang magulang ang bumubungad na nagbibigay pa ng mas matinding pagsusumikap upang mas ipagpabuti ang kanilang mga ginagawa.


Image courtesy: Ken Chan/Instagram

Dahil para sa nakakarami ay wala nang mas hihigit pa na makita ang sarili mong mga magulang na masaya. Tulad na lamang ng kilalang aktor na si Ken Chan na nagawang tuparin ang diumanong biro ng kanyang ina sa kanya.


Image courtesy: Ken Chan/Instagram

Makikita sa social media ng aktor ang isang litrato na kung saan ang kanyang ina ay nakasakay sa isang kotse na kulay pula. Ito ang regalo na ibinigay ng aktor sa kanyang ina na nagsimula lamang umano ito sa isang simpleng biruan.


Image courtesy: Ken Chan/Instagram

Saad niya sa kanyang post na ang biruan na ito ay nangyari 10 taon na ang nakakaraan. Sambit ng kanyang ina na kapag naging matagumpay si Ken Chan sa kanyang napiling Career ay bilhan umano siya ng isang pulang sasakyan. Tulad ng ibang ina na kapag nagbibiro sa kanilang anak ay mas nauuna pa itong natatawa sa kanilang sinasambit.


Image courtesy: Ken Chan/Instagram

Dagdag pa ng aktor na akala umano ng kanyang ina ay wala lang ito sa kanya sapagkat tumatak umano ito sa aktor at nangako na balang araw ay bibilhan niya ng pulang sasakyan ang kanyang ina.


Image courtesy: Ken Chan/Instagram

Hindi naman nabigo ang aktor dahil sa dami ng kanyang mga proyekto ngayon sa telebisyon ay nagawa niyang makapag-ipon at makabili ng sasakyan na agad agad naman nitong ibinigay sa kanyang mahal na ina.


Image courtesy: Ken Chan/Instagram

Hindi naman makapaniwala ang kanyang ina sa regalo na ibinigay sa kanya ni Ken. Madami sa mga netizens ang natuwa sa ginawa na ito ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published.