Siya si Allan Guwi ,ang nobyo at fiancé ng napakagandang aktres na si Ritz Azul

Ngayong panahon na ito na kung saan laganap na ang social media at madali mo na mahanap ang celebrity na iyong paborito ay madali mo na lang din malaman ang lahat tungkol sa kanya lalo na ang kanyang lovelife.


Image courtesy: Ritz Azul/Instagram

Mas nakaka-excite sa pakiramdam na malaman din na ang iyong paboritong celebrity ay may partner na isang non showbiz personality.


Image courtesy: Ritz Azul/Instagram


Image courtesy: Ritz Azul/Instagram

Sila kasi iyong mga tipo ng tao na pribado pagdating sa kanilang buhay kung kaya para sa mga netizens at tagasubaybay ay tila sila ay misteryoso.


Image courtesy: Ritz Azul/Instagram

Tulad na lamang ng partner ng isa sa mga pinakamaganda at seksing aktres na si Ritz Azul. Si Ritz Ann Riggie Villafuerte Azul o mas kilala sa pangalan na Ritz Azul ay ipinanganak noong Enero 11, 1994 sa Pampanga.


Image courtesy: Ritz Azul/Instagram

Natuklasan ang kagandahan at kagalingan ng aktres sa pag- arte ng TV5 sa programang Star Factor. Nakamit ng aktres ang ikaapat na pwesto sa talent search na ito.


Image courtesy: Ritz Azul/Instagram

Dahil dito ay madami na ang mga programa ang agad na bumungad sa career ng aktres na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makilala ng mga tao.


Image courtesy: Ritz Azul/Instagram

Dahil sa kanyang taglay na kagandahan, kaseksihan at kagalingan sa pag-arte ay agad naman itong napuna at umani ng isang katutak na tagahanga. Makalaunan ay lumipat ito sa Kapamilya Network at agad naman din nabigyan ng role sa iba’t-ibang programa.


Image courtesy: Ritz Azul/Instagram

Noong bago pa lamang siya sa Kapamilya Network ay naimbitahan siya sa isang programa kung saan tinanong siya tungkol sa kanyang lovelife.


Image courtesy: Ritz Azul/Instagram

Saad ng aktres sa mga panahon na iyon na siya ay isang NBSB (No Boyfriend Since Birth). Madami sa mga tagahanga ang nagulat sa isiniwalat na ito ni Ritz Azul ngunit paglipas ng ilang taon ay nakita na din niya ang taong magpapasaya sa kanya at magbibigay ng sobrang pagmamahal at ito ay walang iba kundi si Allan Guwi.


Image courtesy: Ritz Azul/Instagram

Wala pa masyadong impormasyon tungkol sa kanyang kasintahan na si Allan ngunit kung ating dadalawin ang kanyang social media ay makikitang mahilig ito magtravel kasama si Ritz at mahilig din ito sa iba’t ibang klase ng sports.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *