Kitang-kita ang pagiging sweet sa isa’t-isa ni Baron Geisler at kaniyang asawa na si Jamie sa isang Yacht Club sa Cebu

Hindi natin lubos maisip na malaking pagbabago ang hatid sa buhay ng isang tao kapag nakilala at natagpuan niya ang Panginoon at ang taong mamahalin niya. Kung sakali man may nagawa kang hindi kanais-nais noon ay hindi ibig sabihin na habambuhay ay ganoon ka.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

May mga pagkakataon lahat ng tao sa mundo na ito na magbago at makapagsimula ulit sa kanilang buhay katuwang ang kanilang mahal sa buhay at gabay ng Diyos.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Tulad na lamang ng aktor na si Baron Geisler na malaki ang pinagbago simula ng makilala niya ang kanyang naging asawa at ipinakilala sa kanya ang Panginoon Diyos.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Mapapansin ang malaking pagbabago sa buhay ni Baron Geisler kung ating dadalawin ang kanyang social media account. Nito lamang nakaraang Linggo ay nag-upload ito ng isang litrato na kung saan makikita ang sweetness ni Baron at ng kanyang asawa habang nakasakay sila sa isang Yacht.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Ang kaganapan na ito ay tungkol sa pagcelebrate nila ng pagtatapos ng master’s degree ng kanyang tita. Makikita sa litrato ang mga nakakakilig na eksena ni Baron kasama ang kanyang asawa. Isang masayahin, mapagmahal at may takot sa diyos na Baron ang ating makikita at masusubaybayan sa social media.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Si Baron Frederick Von Geisler o mas kilala sa pangalan na Baron Geisler ay ipinanganak noong Hunyo 5, 1982. Bata pa lamang si Baron nang magsimula ito sa larangan ng showbiz at kilalang-kilala ang aktor sa kanyang mga ginagampanang mga roles.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Ngunit habang siya ay tumatanda ay samo’t saring mga kontrobersiya ang na link sa aktor. Dahil dito makalaunan ang mga role na kanyang mga ginampanan ay pang kontrabida.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Hindi din nagtagal ay namulat ang aktor, nagbago at madami sa mga tagahanga, kaibigan at pamilya nito ang naging masaya dahil dito. Kasalukuyang masayang namumuhay ang aktor kasama ang kanyang pamilya na may malalim na pananampalataya sa Diyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published.