Nagkita ang pamilya Crawford at Belo na kung saan nakapagbonding sina baby Amari at Scarlet Snow

Masayang makita sa social media na ang mga anak ng mga kilalang celebrity ay masayang nagkikita, nagkakasama at nakakapagbonding. Lalo na kung ang bata na ating pinag-uusapan ay kilalang kilala sa pagiging bibo at aktibo sa lahat ng bagay.

Image courtesy: Vicki Belo/Instagram

Sa ngayon masaya nating nakikita ang unti-unting paglaki ng mga anak ng kilalang celebrity na nagbibigay sa atin ng ngiti sa oras na sila ay magpakitang gilas sa social media.


Image courtesy: Vicki Belo/Instagram

Hindi natin mamamalayan na ang mga bata na ito ay magiging ganap ng dalaga at binata at sila naman ang ating matutunghayan sa mga programa na ating mapapanuod sa telebisyon sa mga susunod pang mga taon. Tulad na lamang ng anak ng pamilyang Belo at Crawford na sina Scarlet Snow at Amari.


Image courtesy: Vicki Belo/Instagram

Sa isang post ni Doc Belo sa kanyang social media ay makikitang nagawa nilang makipagkita sa pamilyang Crawford na kung saan nagkaroon ng pagkakataon na magkita ang anak ng dalawang pamilya.


Image courtesy: Vicki Belo/Instagram

Mababasa sa kapsyon sa post ni Doc Belo na siya ay nagpapasalamat sa pamilyang Crawford sa pagbigay nito ng pagkakataon na makita ang kanilang anak na si Amari at pagkakaroon ni Scarlet ng pagkakataon na maging ate umano ito sa isang araw.


Image courtesy: Coleen Garcia/Instagram

Mapapansin sa mga litrato na ibinahagi ni Doc Belo ang saya ng bawat pamilya ng sila ay magkita. Nakakatuwang pagmasdan ang nasabing litrato lalo na masayang magkasama ang dalawang kilalang pamilya at lalong lalo na makitang magkasama ang dalawang batang nagbibigay ng aliw sa mga netizens.


Image courtesy: Vicki Belo/Instagram

Ang makita si Scarlet Snow na kasama si Baby Amari ay isang nakakatanggal ng pagod at pampagoodvibes sa mga netizens na sumusubaybay.


Image courtesy: Coleen Garcia/Instagram

Isang Linggo pa lamang ang nakakalipas sa post na ito ngunit umani na agad ng isang katerbang likes mula sa mga netizens. Hindi din mawawala ang mga positibong komento ng mga netizens patungkol sa post na ito. Sana mas dumami pa ang mga pagkakataon na magkita kita pa ang iba’t-iba pang mga kilalang anak ng celebrity.

Leave a Reply

Your email address will not be published.