Siya si Ry Velasco, ang napakagandang anak ng sikat na Olympic Boxer na si Onyok Velasco

Hindi natin makakalimutan ang mga taong nagbigay at nagdala sa ating bansa ng karangalan. Sila ang mga taong itinaas at iwinagayway ang bandera ng ating bansa.

Image courtesy: Ry Velasco/Instagram

Natatandaan niyo pa ba ang isang sikat at kilalang manlalarong Pilipino na si Onyok Velasco na kinilala sa larangan ng boksing? Sa ngayon ay hindi na natin siya makikitang nakikipagbakbakan sa loob ng boxing ring dahil matagal na siyang nagretiro.


Image courtesy: Ry Velasco/Instagram

Ngunit ang kaniyang napakagandang anak naman ang nakilala at gumawa ng sariling pangalan sa mundo ng showbiz at sinasabing kahawig pa nito ang kapamilya aktres na si Kathryn Bernardo.


Image courtesy: Ry Velasco/Instagram

Ang nasabing napakagandang anak ni Onyok Velasco ay walang iba kundi si Angel “Ry” Velasco, dalawampu’t isang taong gulang at kilala bilang isang sikat na media influencer at beauty vlogger na kung saan ay mayroong 250k na subscribers sa kaniyang YouTube channel na kung saan ay dito niya ibinabahagi ang kaniyang kakayahan at husay sa pagme-make up at mayroon naman itong 181k followers sa kaniyang Instagram.


Image courtesy: Ry Velasco/Instagram

Maraming nakapansin at naakit sa mala-artistahing ganda ni Ry ng mag guest ito sa umagang programa ng Kapamilya Network na pinamagatang “Magandang Buhay” kasama ang kaniyang ama.


Image courtesy: Ry Velasco/Instagram

Bilang anak ng isang sikat ng boksingero ay tinuruan silang magkakapatid ng kanilang ama ng pagboboksing upang madepensahan ang kanilang sarili sa kung ano man ang pwedeng mangyari.


Image courtesy: Ry Velasco/Instagram

Makikita sa Instagram post ni Ry ang kanilang mga larawan ng kanilang pagpunta sa Singapore. Dahil siya ay isang vlogger kaya naman hindi mawawala ang mga kaganapan na pwede nating mapanuod at masubaybayan sa kanilang pagpunta at pamamasyal sa Singapore.


Image courtesy: Ry Velasco/Instagram

Pinasalamatan din niya ang nag-sponsor ng wifi sa kanilang paglalakbay. Ang nasabing post ay umani ng napakaraming post at positibong komento mula sa kanyang mga tagasubaybay at tagahanga.


Image courtesy: Ry Velasco/Instagram

Noon lamang Marso ng nakaraang taon ay nagtapos si Ry Velasco sa De La Salle-College of Saint Benilde sa kursong Export Management.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *