Nagsagawa ng Community Pantry ang aktres na si Gabbi Garcia

Sa panahon ngayon ay madami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng tulong lalong-lalo na pagdating sa pang araw-araw na pangangailangan upang makaraos.


Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Kung kaya madami ding mga tao sa ating paligid ang may ginintuan at busilak na puso na handang tumulong sa mga taong nangangailangan.


Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Kung ikaw naman ay isang tao na nakakaluwag sa buhay ay hindi naman sigurong masama ang magbahagi ng kakaunting biyaya na iyong natatanggap sa mga nakapaligid sa iyo.


Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Masakit din kasi na makita na habang ikaw ay kumakain ng tatlong beses o higit pa sa isang araw ay mayroong mga pamilya na halos hindi na nakakakain dulot ng pandemya.


Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Madami kasi sa ating mga kababayan ngayon ang nawalan ng trabaho kung kaya handa ang ibang tao na magbahagi, magbigay at sabay-sabay na umahon o malagpasan ang ating nararanasan ngayon.


Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Tulad na lamang ng isang kilalang aktres na si Gabbi Garcia na nagtayo ng isang community pantry.
Nitong buwan lamang naging usap-usapan ang community pantry na nagsulputan sa iba’t ibang panig ng bansa upang matulungan ang mga taong mas nangangailangan.


Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Kung kaya ang aktres na si Gabbi ay nagdesisyon na din na magsimula na magtayo na din ng community pantry. Makikita ang ginawa na ito ng aktres sa kanyang Instagram account na kung saan may kaakibat ito na maiksing kapsyon.


Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Saad ng aktres na nagawa niya ang bagay na ito dahil sa kaniyang adhikain at magandang intensyon upang makatulong sa kapwa kahit sa maliit na bagay lamang.


Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Nagpapasalamat din ang aktres sa mga taong gumabay sa kanya upang maisakatuparang mabuo ang community pantry.


Image courtesy: Gabbi Garcia/Instagram

Nagpapasalamat siya sa mga tao na dumalo at nagbigay ng kanilang donasyon para sa pantry at para sa mga tao na gumawa din ng community pantry ay nagpapasalamat din ang aktres dahil sa walang sawang pagtulong ng mga ito sa kanilang kapwa. Marami sa mga netizens ang natuwa sa ginawa na ito ng aktres at nagdadasal na sana bumalik na sa dati ang ating sitwasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.