Tingnan ang mga koleskyon na halaman ni Jinkee Pacquiao sa General Santos City

Nito lamang nakaraang taon nagsimula maging patok sa mga netizens ang pag-aalaga ng mga halaman hanggang sa dumating na tawagin silang Plantito at Plantita.


Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Maliban dito hindi lamang mga netizens ang nalulong dito dahil pati na din ang mga kilalang celebrity na ating hinahangaan.


Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Ang pagtatanim umano ng halaman ay hindi lamang isang libangan kundi pwede din ito pagkakitaan ng pera na maaari maging daan upang maisakatuparan mo ang iyong mga pangarap.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Tulad na lamang nang asawa ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao na ipinasilip ang kanyang mga koleksyong halaman sa General Santos City.


Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Kung ating natatandaan na nakaraang taon ay naging usap-usapan na din si Jinkee dahil sa kanyang mga kolesyon na halaman at tinaguriang Plantita ng taon.

Ngayon naman ay muling nagbabalik si Jinkee upang ipasyal tayo sa kanyang napakalaking mansion sa kanilang probinsya sa General Santos City.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Maliban sa sobrang laki ng mansion ay napapalibutan din ito ng mga napakagandang halaman na kahit sinong Plantito at Plantita ay mabibighani sa sobrang ganda nito.

Nagsimula na makita ng netizens ang loob ng bahay ng pamilya Pacquiao nang mag vlog ang sportscaster ng isang kilalang istasyon sa loob ng mansion na ito.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Bilang isang bisita ay hindi siya iniwan ng maybahay na si Jinkee at sinamahan siya sa isang maikling tour palibot dito.

Saad ni Jinkee na nagsimula lamang na mapalibutan umano ng mga halaman ang kanilang bahay noong mag lockdown. Sobrang laki na umano ang ipinagbago ng kanilang mansion dahil sa mga bulaklak.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Noon saad ni Jinkee na kapag pumasok ka sa kanilang bahay ay makikita agad ang ipinagawang basketball court. Maliban dito ay may matatagpuan din na isang Japanese style garden sa loob mismo ng mansion ng mga Pacquiao.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Kasama din sa paglilibot sa Mansion ng mga Pacquiao ay ang mismong designer ng landscape na si Roize Royal. Pagbabahagi niya na sa tuwing aalis umano ang pambansang kamao dahil sa laban ay ipinapatawag siya ng maybahay na si Jinkee upang iparenovate ang garden nito para pagbalik ng Pambansang kamao ay may kakaiba nanamang tanawin siyang makikita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *