Yam Concepcion, nagbahagi ng kaniyang sikreto sa matagumpay na long distance relationship ng kaniyang Boyfriend

Madami tayong mga kilalang mga celebrity na may kanya- kanyang lovelife at karamihan dito ay kapwa din nila mga celebrity.


Image courtesy: Yam Concepcion/Instagram

Madalas natin na makita sila na magkasama sa harap o likod man ng kamera. Hindi din mawawala ang mga matatamis at nakakakilig na mensahe sa isa’t-isa sa kanilang mga social media account.


Image courtesy: Yam Concepcion/Instagram

Hindi lang natin alam na mayroon ding mga celebrity ang nakikipagsapalaran sa isang long distance relationship.

Gayunpaman hindi ito naging hadlang sa pagmamahalan ng dalawa. Tulad na lamang ng isang kilalang aktres na si Yam Concepcion na nagbahagi ng kanyang sikreto sa mga netizens sa isang matagumpay na long distance relationship.


Image courtesy: Yam Concepcion/Instagram

Madami ang hindi nakakaalam na ang aktres na si Yam ay anim na taon ng nakikipagsapalaran sa long-distance relationship sa kanyang partner na si Miguel Cu-unjieng.

Gayunpaman ay hindi ito naging hadlang sapagkat maganda pa din ang kanilang pagsasamang dalawa.


Image courtesy: Yam Concepcion/Instagram

Sa isang interview ng programang “I Feel U” ni Toni Gonzaga kay Yam Concepcion ay nagbahagi umano ito ng kanilang sikreto sa matagumpay na long distance relationship.

Para ito sa panahon ngayon na kung saan madami sa mga magkarelasyon ang malayo sa isa’t-isa dahil sa pandemya at lockdown. Saad ni Yam na sila ng kanyang partner na si Miguel ay sanay na sa ganitong sitwasyon dahil ang trabaho ng kanyang boyfriend na nakabase sa New York samantala naman ang aktres ay nagtratrabaho bilang artista dito sa Pilipinas.

Kahit ganoon ang sitwasyon saad ng aktres ay nagagawa pa din umano nila ang mga responsibilidad nila sa isa’t-isa at dahil dito hindi nila ramdam na sila ay magkalayo.


Image courtesy: Yam Concepcion/Instagram

Isa sa mga importanteng bagay umano sa isang relasyon lalo na ang LDR ay ang tinatawag na Trust, Understanding at Communication dahil kung wala ang mga ito sa isang relasyon ay baka hindi magtatagal at mauuwi lang din sa isang hiwalayan.


Image courtesy: Yam Concepcion/Instagram

Nagpapasalamat din ang aktres na nito lamang nakaraang December ay nagawang umuwi dito sa Pilipinas ng kanyang boyfriend at kung hindi lamang umano sa pandemya ay nandito na sana ito kasama niya dahil nagbalak na ito magpalipat dito sa Pilipinas.


Image courtesy: Yam Concepcion/Instagram

Sobrang bait umano ng kanyang kasintahan na si Miguel at hindi din ito chickboy. Hindi din ito seloso dahil alam din umano ng kanyang Boyfriend ang mga eksena na kanyang ginagawa sa mga proyekto nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *