Binati ni John Lloyd Cruz ang marriage engagement nina Ellen Adarna at Derek Ramsay

Nito lamang mga nakaraang buwan ay madami na agad na mga kaganapan ang nangyari sa buhay ng mga kilalang showbiz personalities na gumulat sa mga netizens.


Image courtesy: John Lloyd Cruz/Instagram

Isa na dito ang relasyon ng dalawang artista na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Makalipas ang ilang linggo bigla na lang din tumambad sa atin ang ginawang pagproposed ng aktor sa aktres na ikinagulat at ikinatuwa ng nakakarami.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Dito mo masasabi na sadyang mapaglaro ang tadhana dahil ang hindi mo inaasahan ay bigla na lang nangyayari. Gayunpaman ay masayang binati ng aktor na si John Lloyd Cruz ang dati niyang partner na si Ellen Adarna at fiancé nito na si Derek Ramsay.


Image courtesy: John Lloyd Cruz/Instagram

Ang nangyaring kaganapan na ito ay nalaman ng nakararami nang mainterbyu ang aktor na si Derek Ramsay sa isang radio station na kung saan ibinahagi niya na maayos naman ang samahan nila ng dating boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz.


Image courtesy: John Lloyd Cruz/Instagram

Saad ni Derek na nagkaroon sila ng magandang usapan ng aktor na si John Lloyd nang sunduin nito ang kanyang anak na si Elias sa kanyang tahanan. Nang makita umano siya ng aktor ay dali dali umano nitong binati si Derek sa kanyang ginawang matagumpay na pagproposed.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Paglilinaw din ng aktres na si Ellen sa kaniyang Instagram ay wala namang problema silang dalawa ng kanyang dating partner na si John Lloyd dahil kahit na silang dalawa ay hindi nagkatuluyan ay lagi umano itong nandyan pagdating sa kanyang anak.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Dagdag pa ng aktres na talagang sigurado na siya sa aktor na si Derek Ramsay kaysa sa dati niyang partner. Lalo pa umano na lumalim ang kanilang pagsasama dahil sa magandang koneksyon nila at pagkakaintindihan sa bawat isa.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Marami sa mga netizens ang natuwa at nagagalak sa balita na ito dahil kahit gayunpaman walang sama ng loob ang both parties sa mga nangyayari sa kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.