Julia Barreto nagbigay ng payo kay Joshua Garcia na huwag sana muna itong makipagrelasyon

Kadalasa, para sa mga dating magkasintahan na nagkahiwalay ay hindi na nagpapansinan sa kadahilanan na ayaw na nila maalala ang masakit na nakaraan. Ngunit mayroon din namang naging magkaibigan matapos magkahiwalay.


Image courtesy: Joshlia/Instagram

Hindi talaga natin masabi ang estado ng pagsasama ng magkasintahan lalo na sa mga celebrity. Dahil kung sa harap ng kamera ang dalawa ay makikita mong walang bahid ng pinagdadaanan o sakit na nararamdaman. Subalit sa bawat ngiti at sayang nakikita natin sa kanila ay may mga dinaramdam na ito na hindi na kayang pigilan at sa huli ay mauuwi na rin sa hiwalayan.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Tulad na lamang ng isang kilalang aktres at hinahangaan ng nakakarami na si Julia Barreto na kahit hiwalay na sila ni Joshua ay nanatili pa din silang magkaibigan at nagawa pang payuhan ng aktres ang nasabing aktor.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Naibahagi ni Boy Abunda ang estado ng relasyon ng dating magkasintahan sa kanyang talk show na kung saan nasabi umano ng aktres na masaya siya na kahit nagkahiwalay na sila ni Joshua.


Image courtesy: Joshua Garcia/Instagram

Saad ng aktres kay Boy Abunda na masaya siya sa kabila ng kanilang paghihiwalayan dahil nanatili si Joshua na maging kaibigan niya. Binigyan pa umano ng aktres ang aktor ng payo na kung saan saad nito na huwag munang magkaroon ng kasintahan at magpokus muna sa kaniyang trabaho at career.


Image courtesy: Joshua Garcia/Instagram

Nabigay lamang ni Julia ang payo na ito kay Joshua dahil nakita umano ng aktres na sobrang mahal ni Joshua ang kanyang ginagawang trabaho.


Image courtesy: Joshua Garcia/Instagram

Maliban sa relasyon ni Julia at Joshua bilang magkaibigan ay naitanong rin pala ni tito Boy kung kamusta na ang aktor na si Gerald bilang isang boyfriend.


Image courtesy: Joshlia/Instagram

Agad naman umano sinagot ng aktres na masaya at kontento siya na kasama niya si Gerald dahil lagi umano siya ginaguide nito sa buhay. Mapapansin naman sa kanilang mga Vlog na masaya ang dalawang celebrity na kasama nila ang isa’t isa.


Image courtesy: Joshlia/Instagram

Makikita din na madami ang iniintroduce ng aktor na bagong bagay or experience sa aktres na kung saan ikinakatuwa ng mga netizens ang kanyang mga reaksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.