Nagbahagi si Erwan Heusaff ng donasyon na nagkakahalaga ng dalawang libong dolyar sa Maginhawa Community Pantry

Kaliwa’t kanan ang bumabahang tulong ngayon galing sa mga kilala nating personalidad. Kahit ang mga tao na simple lamang ang pamumuhay ay handa din tumulong para sa mga nangangailangan. Madalas ang mga ito ay hindi nais na magpakilala na sila ay nagbibigay ng tulong.


Image courtesy: Erwan Heusaff/Instagram

Sa panahon kasi natin ngayon ay hindi na mahalaga na ipangalandakan na ikaw ay nagbigay dahil ang mahalaga meron kang natutulungan na ibang tao.

Image courtesy: Juswatiyan/Twitter


Image courtesy: Erwan Heusaff/Instagram

Hindi na din sukatan ngayong panahon kung malaki o maliit ang iyong naibigay dahil ang mahalaga ay nakatulong ka sa kapwa mo ng bukal sa iyong kalooban. Tulad na lamang ng kapatid ni Solenn na si Erwan na nagawang mag donate ng malaking halaga ng pera sa maginhawa pantry.


Image courtesy: Erwan Heusaff/Instagram

Nito lamang nakaraang araw ay naging usap-usapan sa social media ang ginawang kabutihan ni Erwan dahil nagdonate umano ito ng 2000 dolyares na nagkakahalaga ng mahigit kumulang 100 daang libo ang katumabas na perang halaga sa Pilipinas.


Image courtesy: Erwan Heusaff/Instagram

Hindi ito mismo inanunsyo ni Erwan ang kanyang pagdonate ngunit bigla na lamang mayroong lumabas sa Instagram na post na kung saan makikita ang pangalan ni Erwan na nagbigay ng ganoon kalaking halaga ng pera. Madami sa mga netizens ang natuwa sa ginawa na ito ni Erwan dahil madami ang matutulungan ng kanyang perang ibinigay para sa maginhawa pantry.


Image courtesy: Erwan Heusaff/Instagram

Meron ding isang balita na kung saan ang asawa ni Erwan na si Anne Curtis at kapwa artista nito na si Angel Locsin ay nagbigay ng pasikretong donasyon na nagkakahalaga ng 1 million sa Pasig relief programs.


Image courtesy: Erwan Heusaff/Instagram

Laking tuwa ng mayor ng Pasig na si Mayor Vico Sotto at ng mga mamamayan nito. Madami din sa mga netizens ang natuwa sa ginawa ni Anne Curtis at Angel Locsin. Sa ganitong kalaking halaga na ibinigay ng dalawang artista at ni Erwan ay makakasigurado na maraming mga mamamayan ang mabibigyan at matutulungan nito.


Image courtesy: Erwan Heusaff/Instagram

Maliban sa mga kilalang artista ay mayroon ding mga hindi nagpapakilala na tao ang nagdodonate malaki man o maliit at ito ay malaking tulong para sa mga tao na nagugutom at nakikipagsapalaran sa mga oras na ito. Maraming Salamat sa inyo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.