Binati ng ina ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min ang kasintahan ng kaniyang anak na si Daniel Padilla sa kaarawan nito

Sa isang relasyon hindi lamang ang pagmamahalan ng magpartner sa isa’t isa ang dapat pagtuunan ng pansin. Dahil isa sa mga mahalagang bagay sa isang relasyon ay kung paano niya pahalagahan ang pamilya ng kanyang partner.


Image courtesy: Min Bernardo/Instagram

Malalaman mo kung gaaano kabuti ang iyong partner dahil makikita mo naman kung paano ito makitungo sa iyong mga kapamilya.


Image courtesy: Min Bernardo/Instagram

Ang masayang relasyon ay hindi sukatan na kayo lamang ng partner mo ang masaya kundi dapat pati na din ang pamilya ng bawat party na kinabibilangan ninyo.

Tulad na lamang ng aktor na si Daniel Padilla na sa sobrang bait nito sa kanyang kasintahan na si Kathryn ay pati ang mga magulang nito ay nahulog na din sa binata.


Image courtesy: Min Bernardo/Instagram

Nito lamang nakaraang araw ay kinilig ang mga netizens nang makita nila sa Instagram ang post ng ina ni Kathryn Bernardo na bumati ng maligayang kaarawan sa matagal ng partner ng kanyang anak na si Daniel Padilla.


Image courtesy: Min Bernardo/Instagram

Kaakibat ng pagbati ay ang isang napakagandang mensahe at nakakaantig ng puso ang iyong mababasa na sasabihin mo sa iyong sarili na talagang maganda ang pakikitungo ng aktor sa mga magulang ng kanyang kasintahan.

Sa post ng ina ni Kathryn Bernardo ay inilahad niya kung sino nga ba si Daniel Padilla noong bata pa lamang ito hanggang sa magbinata.


Image courtesy: Min Bernardo/Instagram

Ang aktor umano noong bata pa ay isang makulit at mapilyong bata ngunit habang nagkaka-edad umano ito ay tila hindi nagbabago at nananatiling mapagmahal, maalaga, at mabait na tao.


Image courtesy: Min Bernardo/Instagram

Ipinagdarasal din lagi umano ng ina ng aktres ang kaligtasan ng aktor at sana gabayan umano ito ng Panginoon sa pang araw-araw na gawain nito.


Image courtesy: Min Bernardo/Instagram

Si Daniel John Ford Padilla o mas kilala sa pangalang Daniel Padilla ay ipinanganak noong Abril 26, 1995. Siya ay anak ng dalawang tanyag na celebrity na sina Rommel Padilla at Carla Ford o mas kilala sa kanyang pangalan na Carla Estrada.

Leave a Reply

Your email address will not be published.