Nagbahagi ng bagong vlog ang Jamill matapos ang nagdaang pagsubok sa kanilang relasyon

Ang pagsasama ng isang couple ay may kaakibat na mga pagsubok na hindi natin alam kung papaano ito malalampasan. Ang mga pagsubok na ito ay maaaring dulot ng kalokohan ng bawat isa o kaya hindi pagkakaintindihan ng bawat panig.


Image courtesy: Jamill/Instagram

Pwede ito humantong sa hindi inaasang senaryo tulad ng paghihiwalay at pagkakaroon ng sama ng loob sa bawat isa. Gayunpaman tayo ay tao lamang at maaaring magbigay ng panibagong pagkakataon sa taong handang magbago para sa ikakaayos ng lahat.


Image courtesy: Jamill/Instagram

Dahil kung ang Panginoon nga kayang magpatawad tayo pa kayang tao na kanyang nilikha lamang. Tulad na lamang ng Youtube Couple Vlogger na JaMill na nagbahagi ng isang Vlog na kung saan pinamagatan nila itong bagong simula.


Image courtesy: Jamill/Instagram

Nito lamang mga nakaraang linggo ay naging usap-usapan ang JaMill na kinabibilangan ng mag kasintahang sina Camille Trinidad at Jayzam Manabat.


Image courtesy: Jamill/Instagram

Ang issue na ito ay tungkol sa pag cheat ni Jayzam sa kanyang kasintahan na humantong pa sa isang programa upang mabigyan ng isang solusyon.


Image courtesy: Jamill/Youtube

Marami sa mga netizens ang nadismaya sa pangyayari na ito dahil hindi nila inaakala na magagawa ito ni Jayzam sa kanyang kasintahan na si Camille.

Sa huli ay nagkaroon naman ng pagkaka-ayos ang dalawa at ngayon ay unti-unting bumabangon sa pagsubok ang mga ito.

Saad ni Camille sa kanyang Vlog na siya ay hindi pa ok kung ating tatanungin tungkol sa mga naganap. Ngunit gumagawa sila ng paraan upang maibsan ang sakit na ito. Sa isang segment ng kanilang Vlog ay makikita si Camille at Jayzam na magkasama at kasama din nila ang magulang ng lalaki.


Image courtesy: Jamill/Youtube

Ibinahagi ng magulang ni Jayzam ang karanasan mismo nila bilang isang couple. Maliban dito, saad din ni Camille ay nagkakaroon din sila ng isang bible sharing upang maituwid ang mga kamalian na nagawa ni Jayzam.


Image courtesy: Jamill/Instagram

Dagdag pa ni Camille na siya ay lubos na nagpapasalamat sa kanilang magulang at dito din nila nareyalisa na wala na talagang ibang tao ang makakatulong sa kanilang dalawa kundi ang mismo nilang mga magulang at pamilya.


Image courtesy: Jamill/Instagram

Marami sa mga netizens ang naantig sa pagiging supportive ni Camille sa kanyang nobyo na si Jayzam dahil gagawin nito ang lahat upang maisaayos ang kanyang pagkakamali sa buhay. Saludo din ang netizens sa mga magulang nila na handang tumulong, suportahan, at pangaralanan ang dalawa sa kahit ano mang problema ang kanilang haharapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.