Ibinahagi ni Enrique Gil sa isang Vlog ang kaniyang napakagandang Beach House sa Batangas

Hindi nawawala sa bawat isa sa atin na magkaroon ng sarili nating mga pangarap sa buhay. Madalas natin itong taas noo na ibinabahagi sa ating mga kakilala. Hindi naman ito imposible hangga’t mayroon tayong tiwala sa ating sarili na magagawa natin ang mga bagay na ito.

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Kahit ang mga kilalang celebrities ay mayroon ding mga pangarap sa buhay. Tulad na lamang na maipagawa ang sarili nilang dream house, ang iba naman ay gusto ng bagong sasakyan at higit sa lahat makamtan at makatapos sa kanilang pangarap na kurso.


Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Isa sa mga artista ang mayroon kakaibang pangarap at ito ay magkaroon ng sariling beach house. Ito ay kanyang ipinasilip sa kanyang mga tagahanga at netizens at karamihan sa mga ito ang namangha sa kagandahan na taglay ng beach house na ito.

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Ang artista na ito na nagmamay-ari ng beach house ay walang iba kundi si Enrique Gil. Ang aktor ay isa sa mga sikat sa kasalukuyang panahon at nakilala siya sa iba’t ibang proyekto na ating sinubaybayan kasama ang kanyang matagal ng kasintahan na si Liza Soberano.

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Si Enrique Mari Bacay Gil V o mas kilala sa pangalan na Enrique Gil ay ipinanganak noong Marso 1992. Maliban sa pagiging kilala at magaling na artista ay kilala din ang aktor bilang isang magaling na mananayaw at gwapong modelo.

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Ang aktor ay tubong Cebu at nakilala siya sa mga ginampanan na roles sa mga programa at pelikula at mas lalong naging matunog ang kanyang pangalan ng maging partner niya ang kanyang kasalukuyang kasintahan na si Liza Soberano.

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Naging usap-usapan ang isang video na kung saan ibinahagi ng aktor ang kagandahan ng pagmamay-ari niyang beach house sa Batangas. Saad ng aktor na nakamit niya ang pangarap na ito sa tulong ng kanyang ate na si Diandra.

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Dagdag pa niya na noong bata pa lamang sila ay mahilig na talaga siya pumunta malapit sa dalampasigan kung kaya nangarap siya na magkakaroon din siya ng sarili niyang beach house.

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Ang beach house ay mayroong apat na palapag at mayroon itong napakagandang disenyo at base sa lugar na kung saan nakaharap ang bahay ay matatanaw mo ang kagandahan ng dagat.

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Dalawang taon din ang ginugol bago matapos ang beach house na ito dahil hindi biro ang pagpapatayo ng gusali na ito na malapit sa dagat.

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Image courtesy: Enrique Gil | Youtube Channel

Dito natin masasabi na hangga’t matiyaga nating ginagawa ang ating mga gusto sa buhay at nanatiling may pangarap at hindi susuko ay makakamit natin lahat ng gusto natin sa buhay. Manalig lamang tayo sa panginoon at sabayan ng kisig at tiwala sa sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published.