Ito na ngayon ang buhay ng mga dating Crush ng Bayan o Heartthrob na mga artista

Sa bawat henerasyon ng mga artistang napapanuod sa telebisyon, maging sila man ay bida o kontrabida, hindi mawawala ang mga heart throb o naging crush ng bayan.

Atin munang balikan kung nasaan na at ano na nga ba ang ginagawa ng mga artistang bumihag ng ating mga puso. Narito ang mga listahan ng mga gwapong artista noon ayon sa Philippine Entertainment Portal.

Image courtesy: Bobby Andrews | Instagram

Bobby Andrews

Sumikat at nakilala noong ng makatambal niya si Angelu De Leon sa TGIS noong 1995. Kaya naman ito ang naging daan kung saan ay madami ang bumukas na opportunities sa kaniya sa mundo ng showbiz upang mas lalong maipakita ang kaniyang husay at galing sa pag-arte.

Kakatapos lamang niya ang isang show sa TV5 na pinamagatang Stay-In Love kung saan ay kasama niya dito sina Ruffa Gutierrez at Maris Racal.

Carlo Aquino


Image courtesy: Carlo Aquino | Instagram


Image courtesy: Carlo Aquino | Instagram

Magpahanggang ngayon ay aktibo parin siya sa showbiz. Kamakailan lamang noong 2019 ang kaniyang pinakabagong film ay pinamagatang Isa Pa, With Feeling kasama si Maine Mendoza.

Parte rin siya ng bagong inaabangang series ng Kapamilya Network na La Vida Lena sa pangunguna ni Erich Gonzales. Sa edad na 35 taong gulang ay mayroon na siyang isang magandang anak na babae sa kaniyang partner na si Trina Candaza.

Diether Ocampo


Image courtesy: Diether Ocampo | Instagram


Image courtesy: Diether Ocampo | Instagram

Naging isang lieutenant commander sa Philippine Coast Guard Auxiliary at natapos ang isang pagsasanay sa pagiging marino na isinagawa ng Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training noong taong 2019. Kaya naman mapapanuod natin sa prime-time drama na Huwag Kang Mangamba bilang si Captain Samuel Cordero.

Ding Dong Dantes


Image courtesy: Dingdong Dantes | Instagram

Dahil sa kaniyang angking kagwapuhan, husay at galing sa pag-arte siya ang naging lead male star ng mga inaabangan nating palabas noon na Anna Karenina, Sana ay Ikaw Na Nga, Encantadia, Marimar, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, Stairway To Heaven, Alyas Robin Hood at marami pang iba.
Ikinasal sila ng kaniyang asawang si Marian Rivera noong Disyembre 30, 2014.

John Lloyd Cruz


Image courtesy: John Lloyd Cruz | Instagram

Noong taong 2017 ay sandaling namahinga si JLC sa showbiz at kalaunan ay naging laman ng balita kasama ang kaniyang kasintahang si Ellen Adarna na ngayon ay hiwalay na ngunit maganda naman ang kanilang relasyon para sa kanilang anak na si Elias.

Pagkatapos ng apat na taong pamamahinga, nito lamang Mayo 15, 2021 ay pumirma si JLC sa talent management agency ni Maja Salvador na Crown Artist Management.

Marvin Agustin


Image courtesy: Marvin Agustin | Instagram


Image courtesy: Marvin Agustin | Instagram

Kasalukuyan ay abala si Marvin sa kaniyang restaurant business at patuloy na pinapabuti ang kaniyang kasanayan sa pagluluto. Siya ay may anak na kambal na sina Sebastian at Santiago.

Onemig Bondoc


Image courtesy: Onemig Bondoc | Instagram

Nilisan ang mundo ng showbusiness noong taong 2006. Naghiwalay sila ng kaniyang asawang si Valerie Bariou noong 2005. Sa ngayon ay kasama niya ang kanilang dalawang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.