Ito na ngayon ang buhay ng dating sikat at heartthrob na aktor na si Dino Guevarra

Kung tayo ay babalik noong 90’s ay madami tayong masasaksihan na mga artista na ngayon ay hindi na natin nakikita sa telebisyon. Dahil ang iba sa kanila ay mas pinili na ang simpleng pamumuhay at nagtayo na lang ng sariling negosyo.


Image Courtesy: Dino Guevarra | Instagram


Image Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Gayunpaman magpahanggang sa ngayon ay hindi pa din natin sila nalilimutan dahil sa kanilang galing na taglay na ipinakita sa harap ng kamera. Maliban sa galing ay nakilala din ang mga ito sa taglay nilang kagwapuhan at kagandahan na hanggang ngayon ay wala pa ding kupas. Tulad na lamang ng dating aktor na si Dino Guevarra.


Image Courtesy: Dino Guevarra | Instagram


Image Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Si Dino Guevarra ay nakilala noong naging parte siya ng iisang program ana pinamagatang “T.G.I.S” noong 1998. Sa programa na ito ay ginampanan niya ang persona ni David na kung saan siya ay isang masipag na salesman sa isang flower shop.


Image Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Nakatambal niya dito ang isa ding sikat na aktres na si Kim Delos Santos na kung saan ay gumanap bilang si Tere. Marami sa ating mga magulang na nakapanuod nito ang kinilig at madami din sa kanila ang nagka-crush kay Dino na mga nanay. Hindi naman kasi maikakaila ang taglay na kagwapuhan ng aktor at magpahanggang ngayon hindi pa din ito kumukupas.


Image Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Maliban kay Kim ay nakasama na din niya ang iba’t-ibang mga kilalang aktor at aktres sa programa na ito. Namayagpag ang aktor noong mga panahon na iyon kung kaya isang katutak din na mga oportunidad ang dumating sa kanyang buhay.


Image Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Ngunit dumating ang panahon na kung saan hindi na natin siya nakita sa harap ng kamera at madami na din nagtatanong na kung nasaan na si Dino Guevarra.


Image Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Kasalukuyang kasama ngayon ng aktor ang kanyang mahal sa buhay na si Karen Gabriel at nagbunga naman ang kanilang pagmamahalan ng dalawang maganda at gwapong anak na nagngangalang Joaquin at Anika.


Image Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Naging balita din na maliban sa kanyang anak na si Joaquin at Anika ay mayroon din siyang anak sa dati niyang kasintahan at ang mga pangalan nito ay Ethan at Miguel.

Leave a Reply

Your email address will not be published.