Niregaluhan ni KC Concepcion ang kaniyang Yaya Lina ng Bahay at Lupa bilang pasasalamat sa pag-aalaga sa kaniya

Ang pagiging magkapamilya ay hindi lamang naibabase o nakikita sa pagiging magkadugo ng bawat indibidwal. May mga iilang tao na minsan, sinasabi nila na mas nakikita at nararamdaman nila ang tunay na kahulugan ng isang pamilya at pagmamahal sa kanilang mga yaya, o sa mga taong nagpalaki sa kanila.

Image Courtesy: KC Concepcion | Instagram


Image Courtesy: KC Concepcion | Instagram

Dahil dito ay nagagawa nilang pasalamatan o suklian sa kahit papaanong paraan ang mga taong nag-aruga sa kanila at nagbigay ng importansiya at binusog ng kanilang pagmamahal. May iba na binibigyan ng pera, ang ilan naman pinapag-aral ang mga anak o apo at ang iba naman ay binibigyan ng regalo.

Katulad na lamang ni KC Concepcion, nag-iisang anak ng beteranang aktres at aktor na si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Image Courtesy: KC Concepcion | Instagram


Image Courtesy: KC Concepcion | Instagram

Ito ang mga pagkakataon na kung saan nakuha ang atensiyon ng napakaraming tao pagkatapos niyang ipakita ang kaniyang kabutihang loob sa pamamagitan ng pagbigay ng isang bagong tahanan sa kaniyang naging yaya na si Yaya Lina na nag-aruga sa kaniya noong siya ay bata pa lamang.


Image Courtesy: KC Concepcion | Instagram

Makikita sa kaniyang Instagram post ang isang clip kung saan ay nagpapasalamat ang kaniyang Yaya Lina sa ibinigay nitong bahay. Sa ilang taong pamamalagi ni Yaya Lina sa pamilya nina Kc ay hindi na nito nagawang mag-asawa pa. Tanging umikot nalang ang kaniyang oras at mundo sa pag-aalaga kay KC at sa mga kapatid nito magpahanggang sa ngayon.


Image Courtesy: KC Concepcion | Instagram

Kung ating matatandaan na noong nakaraang taon lamang ay nagbigay ng tribute si KC sa kaniyang yaya, na kung saan ay ibinahagi niya rito ang kung gaano kahalaga at importante si Nanay Lina sa kaniyang buhay.


Image Courtesy: KC Concepcion | Instagram

Makikita rin sa kaniyang Instagram account ang isang nakakaantig na mensahe na kung saan ay sinabi niya sobra ang pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang Nanay Lina na talagang nakasubaybay upang mapanuod ang mga pelikula at TV series na kaniyang nagagawa. Dagdag pa niya na napapaluha si Nanay Lina sa tuwing makikita siya.


Image Courtesy: KC Concepcion | Instagram

Sa edad na 33 taong gulang si KC Concepcion ay isang National Ambassador Against Hunger of the United Nations’ World Food Programme. Sa ngayon ay masaya siya sa kaniyang kasintahan na isang French na si Pierre Emmanuel Plassart.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *