Ibinahagi ni Heart Evangelista sa publiko ang batang larawan ng kaniyang asawang si Chiz Escudero

Sa mga bagay at mga lugar na napupuntahan natin, hinding-hindi natin nakakalimutan na kuhaan ng larawan ang mga ito. Dahil nagiging libangan nating tingnan at balikan ang mga ito sa ating cellphone o di kaya sa photo album.


Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Higit sa lahat hinding-hindi natin nakakalimutang kuhaan ng larawan ang ating sarili upang may balikan tayo at maipakita sa ating mga magiging anak at kamag-anak. Isa na rito si Heart Evangelista na nagawang ipakita sa publiko at balikan ang batang larawan ng kaniyang asawang si Chiz Escudero.


Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram


Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Ang nasabing post ni Heart ay may caption na, ang habang buhay kong crush na kung saan ay maraming mga netizens ang kinilig sa nasabing post ng aktres dahil ganun pa man ay nagawa niyang ipakita at iparamdam kung gaano niya kamahal ang kaniyang asawa.


Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Ang nasabing larawan ay nagawang ikumpara sa isang sikat na mang-aawit na si Bamboo dahil sa kung titingnan ay magkawangis ang dalawa. May iilan ding nagawa pang i-komento ang ilan sa mga lyrics ng sikat na awitin ni Bamboo.


Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Si Francis Joseph “Chiz” Guevara Escudero o mas kilala bilang si Chiz Escudero ay isang abogado at politiko at kasalukuyang isang Gobernador ng Sorsogon simula noong 2019.


Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Siya ay dating nagsilbi bilang isang senador at naging kinatawan ng unang distrito ng Sorsogon mula taong 1998 hanggang 2019, naging isa ring House Minority Leader mula 2004 hanggang 2007. Tumakbo rin siya sa pagka-bise presidente noong taong 2016 halalan ngunit hindi siya pinalad na manalo.


Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Ang kaniyang maybahay naman ay si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero na mas kilala ng lahat bilang si Heart Evangelista. Ikinasal ang mag-asawa noong Pebrero 15, 2015 sa Balesin Island Club sa Pilipinas.


Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Ang taon kung kailan niya rin inampon ang isang tutang nailigtas ng kaniyang ama sa isang kalye sa Batangas na kung saan ay pinangalan niyang Panda na minsan niya ring tinatawag na Panpan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *