Silipin ang napakagandang tahanan ng mag-asawang Richard at Lucy Torres-Gomez

Sa dinami-dami ng mga nakita nating tahanan ng mga kilala at sikat na artista ay hindi nating mapigilang mamangha sa mga magagandang disenyo ng kanilang mga tahanan. At isa na rito ang mayroong magandang tahanan ay ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez.


Image Courtesy: Richard & Lucy Gomez | Instagram

Image Courtesy: Richard & Lucy Gomez | Instagram

Ang kanilang napakagandang tahanan ay talaga namang hinangaan ng mga netizens. Dahil dito ay hindi maiwasang magbigay ng komento ang mga netizen.

Image Courtesy: Richard & Lucy Gomez | Instagram

Image Courtesy: Richard & Lucy Gomez | Instagram

Ang kanilang malawak na bakuran ay hinangaan din ng marami at dahil sa laki pa ng espasyo ay pwedeng-pwede pa sa malaking pagtitipon. Ang mag-asawa ay naninirahan sa Carlota Hills na matatagpuan sa Ormoc City isang kilalang subdibisyon sa nasabing lungsod.

Image Courtesy: Richard & Lucy Gomez | Instagram

Richard at Lucy Torres-Gomez ay isa sa mga hinahangaang celebrity couples ngayon hindi dahil sa hindi sila nakikitaang tumanda pagdating sa kanilang pisikal na kaanyuan kundi dahil sa mayroon silang busilak na puso upang mahalin at paglingkuran ang mga tao.

Image Courtesy: Richard & Lucy Gomez | Instagram

Richard Frank Icasiano Gomez o mas kilala ng lahat bilang si Richard Gomez ay isa sa mga kilalang at hinahangaang aktor sa Philippine cinema at telebisyon.

Image Courtesy: Richard & Lucy Gomez | Instagram

Nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas na kung saan ay kumuha ng kursong Associate in Arts at nag-aral naman ng Masters in Business Administration sa University of Perpetual Help System DALTA. Isang direktor at politiko na dating artista ng Kapuso channel na ngayon ay bumalik sa Kapamilya Network mula pa noong taong 2011.

Image Courtesy: Richard & Lucy Gomez | Instagram

Ang kaniyang maybahay naman na si Lucy Torres ay isang politiko at kasalukuyang kumakatawan sa pang-apat na distrito ng Leyte at isang miyembro ng PDP-Laban. Ipinanganak noong Disyembre 11, 1974 sa Ormoc, Leyte. Kumuha ng degree sa Business Management sa University of the Philippines Cebu.

Image Courtesy: Richard & Lucy Gomez | Instagram

Sila ay ikinasal sa St. Peter at Paul Parish Church sa Ormoc taong 1998. Sila ay biniyayaan ng isang anak na babae na si Juliana.

Leave a Reply

Your email address will not be published.