Tingnan ang litrato ng tatlong pinakamaganda ngayon sa industriya ng pag-aartista noong sila ay bata pa lamang

Isa sa mga inaabangan ng mga netizens at gustong malaman ay kung ano ang hitsura ng kanilang mga idolo noong mga bata pa ito. Kung kaya sakali man na magbahagi ang kanilang mga idolo ng mga litrato ay agad-agad naman nila itong paglalaanan ng oras upang pagmasdan ng maigi.

Image courtesy: Nadine Lustre | Social Media Acct.

Hindi din natin mapigilan na mamangha sa ating mga makikita at mapapakomento na lamang tayo na sadyang biniyayaan talaga sila ng natural na kagwapuhan o kagandahan.

Ngayon isa-isahin natin ang mga litrato ng mga paborito nating aktres at pagmasdan ang kanilang mga magagandang mukha noong bata pa.


Image courtesy: Kathryn Bernardo | Social Media Acct.

Sa isang Instagram account na kilala sa tawag na @kathlizdines ay nagbahagi ito ng mga litrato na tatlong bata. Mapapansin sa mga litrato na ito ang sobrang cute na mga katangian at mapapatanong ka na kung sino ang mga ito.

Saad sa post na ang mga bata na ito ay lumaking mga magaganda, magagaling at kilala sa mundo sa showbiz. Sila umano ay itinadhana upang maging star sa kanilang pamilya pati na din sa mga tao na kanilang taga suporta.


Image courtesy: Liza Soberano | Social Media Acct.

Ang tatlong batang babae na ito ay walang iba kundi sina Liza Soberano, Kathryn Bernardo at Nadine Lustre. Marami sa mga nakakita ng litrato ang nagsasabi na ang mga aktres na ito ay tila maganda na talaga at cute simula noong bata pa sila.


Image courtesy: Liza Soberano | Instagram

Si Liza Soberano ay unang nakilala at umugong ang pangalan ng makita siya sa pelikula kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na pinamagatan na “Must Be Love”.

Simula noon ay nagkaroon siya ng oportunidad na bumida sa kanyang sariling programa na pinamagatan na “Forevermore” at nakatambal niya dito ang kanyang kasalukuyang nobyo na si Enrique Gil.


Image courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram

Samantala si Kathryn Bernardo naman ay unang nakilala sa Goin Bulilit at habang lumalaki ay nabigyan ng isang katutak ding mga proyekto at nakatambal niya ang kanyang kasalukuyang nobyo na si Daniel Padilla. Dahil sa kanyang natural na galing sa pag-arte kung kaya nakilala agad siya sa mundo ng showbiz.


Image courtesy: Nadine Lustre | Instagram

Si Nadine Lustre naman ay may taglay na natural na kagalingan sa pagsayaw at pag-arte. Kung kaya madalas siya makita sa mga noon time show at binigyan din siya ng iba’t ibang proyekto na kung saan nakatambal naman niya si James Reid.

Silang tatlo ang tinaguriang reyna ng showbiz ngayon dahil sa kanilang mga taglay na kagandahan at kagalingan sa iba’t-ibang bagay na kanilang pinamalas sa minamahal nilang trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *