Ito na ngayon ang buhay ni Sugar Mercado bilang isang single mom sa kaniyang dalawang anak na babae

Hindi na iba o nakakagulat ang marinig natin ang salitang “single mom”. Mga magulang na tumatayo o nagsisilbing ama at ina sa kanilang mga anak.

Image courtesy: Sugar Mercado | Instagram

Alam naman nating hindi madali ang mga pinagdadaanan ng mga taong ito, ano man ang mga naging rason kung bakit nahantong sa ganitong sitwasyon ang kanilang buhay o pamilya ay atin nalang respetuhin at kapulutan ng aral.


Image courtesy: Sugar Mercado | Instagram

Isa na rito si Sugar Mercado, na ikinasal sa kaniyang asawang si Kristofer Jay Go na kung saan ay nagbunga ng dalawang anak ang kanilang pagmamahalan, at ito ay sina Gabrielle at Olivia.


Image courtesy: Sugar Mercado | Instagram

Hindi naging madali ang buhay at pinagdaanan ni Sugar sa kaniyang asawa, sa kadahilanang sinasaktan siya nito. Kaya naman ay hindi nagdalawang-isip si Sugar na sampahan ito ng kaso at nangyari ito noong taong 2015.

Nagkaayos na rin ang dalawa pagdating sa kanilang mga tungkulin bilang isang mga magulang sa kanilang dalawang anak.


Image courtesy: Sugar Mercado | Instagram

Kung iyong bibisitahin at titingnan ang kaniyang social media account ay iyong makikita madalas niyang pagbahagi ng mga larawan kasama ang kaniyang anak.


Image courtesy: Sugar Mercado | Instagram

Kung inyong matatandaan ay naging co-host ng programang Wowowin ni Willie Revillame si Sugar, na mismong si Kuya Wil pa ang kumuha rito dahil sa nakitaan ito ng galing sa pagpapasaya sa mga tao.


Image courtesy: Sugar Mercado | Instagram

Dahil rito ay hindi nagawang mapag-usapan ang dalawa na mayroon silang relasyon ng TV host na si Kuya Wil, ngunit sinabi ni Sugar na parang tatay na ang tingin niya kay Kuya Wil.


Image courtesy: Sugar Mercado | Instagram

Bago pa man siya naging co-host ng Wowowin ay sumikat na siya at nakilala sa longest running noontime show na Eat Bulaga.


Image courtesy: Sugar Mercado | Instagram

Ayon sa panayam kay Sugar ng Kapuso network, sinabi niya rito na bilang isang ina at magulang ng kaniyang dalawang anak ay ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang ipaintindi sa mga ito ang sitwasyon ng kanilang pamilya.


Image courtesy: Sugar Mercado | Instagram

Nabanggit rin niya na bukas naman ang kaniyang puso sa panibagong pag-ibig na darating, ngunit sa ngayon ay pokus muna siya sa kaniyang dalawang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *