Kilalanin si Angela Alarcon, ang napakagandang anak ng action star na si Jestoni Alarcon

Isa sa mga tumatak sa puso ng bawat Pilipino ay ang mga artista sa mga kilalang aksyon movies noong 90’s. Hindi kasi natin malimutan kung gaano kalupit at kagaling ang kanilang mga ginampanan na karakter na kung saan umubos ng isang katutak na kalaban.


Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Dito din nila minsan naipamalas ang kanilang galing sa pakikipaglaban ng mano-mano sa kalaban at mga pormahan na sobrang astig. Hindi din natin makakalimutan ang kanilang taglay na kagwapuhan na lalong nagpalakas sa kanilang karakter. Magpahanggang sa ngayon kahit hindi na sila aktibo ay kitang-kita pa din ang kanilang makikisig na pangangatawan at kagwapuhan na hindi kumukupas.


Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram


Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Lumipas ang mahabang panahon ay lahat naman tayo ay nagkakaroon ng sariling pamilya tulad ng ating mga idolo na aksyon star. Magugulat ka na lang sa mga biglang lumilitaw na litrato na nagpapakita ng kanyang pamilya at mapapasabi ka na lang ng wow dahil sa ganda at gwapo na mga anak nito. Tulad na lamang ng pamilya ni Jestoni Alarcon.


Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram


Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang kanyang anak na babae dahil sa taglay nitong kagandahan na nakakabighani. Ang anak na ito ni Jestoni ay si Angela Alarcon at kasalukuyang gumagawa na din ng pangalan sa larangan ng showbusiness katulad ng kanyang ama. Marami ang nabighani sa ganda at galing ng aktres pagdating sa pag-arte kung kaya pinagmamalaki siya ng network kung saan siya nagtratrabaho.


Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram


Image courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram

Sobrang paghanga naman ang nararamdaman ng kanyang ama na si Jestoni para sa kanyang anak na si Angela. Napag-alaman din na hindi lang din pala sa pag-arte magaling ang aktres kundi isa din itong black belter sa taekwondo. Maliban pa dito ay napag-alaman din na ang aktres ay ubod din ng talino dahil nakapagtapos ito bilang isang Cum Laude sa Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Speech Communication.


Image courtesy: Angela Alarcon | Instagram


Image courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram

Bago pa man pumasok ang aktres sa mundo ng showbiz ay mas pinili muna nito na tapusin ang kanyang kurso kung kaya ang kanyang ama ay lubos na nagpapasalamat dahil mas inuna niya ang pag aaral bago magtrabaho bilang isang artista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *