Dalawang dekada na ang pagsasama ni Ian Veneracion at kaniyang asawa na nananatiling loyal at mahal ang isa’t-isa

Noong 90’s ay marami na tayong mga crush na celebrity dahil sa taglay nitong kagwapuhan at kagandahan. Lumipas ang maraming panahon ngunit ang ating paghanga sa kanila ay hindi pa din nagbabago.


Image courtesy: Ian Veneracion

Sa kadahilanan na tila hindi sila nagbabago pagdating sa kanilang taglay na pisikal na anyo at ang kanilang galing sa larangan ng pag-arte. Madami din tayong nasaksihan na mga idolo nating artista na may mga pamilya ngunit ang iba ay hindi pinalad sa katagalan dahil naghiwalay din sa huli.


Image courtesy: Ian Veneracion | Instagram

Hindi tulad ng napakaguwapong aktor na si Ian Veneracion na sa kabila ng dalawang dekada nilang magkasama ng kanyang asawa ay staying strong pa din sila.


Image courtesy: Ian Veneracion | Instagram

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa napakagwapo at makisig na si Ian Veneracion na magpahanggang ngayon ay tinitilian pa din ng kanyang mga tagahanga na mga babae.


Image courtesy: Ian Veneracion | Instagram

Mapamatanda man o mapabata ay nahuhulog sa kanyang mapang-akit na mga ngiti dahil sa taglay nitong kagwapuhan.


Image courtesy: Ian Veneracion | Instagram


Image courtesy: Ian Veneracion | Instagram

Si Stephen Ian Lopez Veneracion o mas kilala sa pangalan na Ian Veneracion ay ipinanganak noong Pebrero 7, 1975 at kasalukuyang 46 taong gulang na. Sa kabila ng kanyang edad ay hindi pa din kumukupas ang Ian na ating kilala at madami pa din itong tagahanga hanggang ngayon.


Image courtesy: Ian Veneracion | Instagram

Maliban sa pag-arte ay kilala din siya na mahilig sa iba’t-ibang sports, marunong din siya magpalipad ng mga sasakyan na panghipapawid at higit sa lahat ay magaling din ito kumanta. Maituturing din nating isang multi-talented person si Ian kung kaya siya lagi nabibigyan ng isang katutak na proyekto na hindi naman niya binibigo.


Image courtesy: Ian Veneracion

Lingid sa kaalaman ng lahat ay isa din siyang Equipment Engineer kung kaya siguro nakapangasawa din siya ng isang Industrial Engineer na si Pam Gallardo. Sa kanilang pagsasama ng kanyang asawa na si Pam ay biniyayaan sila ng tatlong anak na sina Draco, Deidre at Duccio.


Image courtesy: Ian Veneracion

Akala ng nakakarami na hindi maayos ang pagsasama ng mag-asawa dahil madalas hindi nakikita ng mga netizens na nagpopost ang aktor kasama ang kanyang asawa at pamilya. Ang totoo ay hindi umano gusto ng asawa ang makita siya sa mga social media platform dahil umano sa masyadong pribado itong tao. Gayunpaman ay wala silang problema dalawa at nananatiling matatag ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *