Kilalanin si Lizette Alarcon, ang napakagandang asawa ng aktor na si Jestoni

Lahat tayo ay nangangarap na ikasal at may makasama habang buhay, hanggang sa ating pagtanda ang taong pinakamamahal natin. Ang taong gusto nating makatabi sa pagtulog at makita pagmulat ng ating mga mata sa paggising sa umaga.


Image courtesy: Lizzie Alarcon | Instagram

Maging sa mga paborito nating artista, na nakikita at napapanuod natin sa telebisyon ay nais rin natin na ang kanilang mga naging katambal sa telebisyon ang kanilang makakasama at makakatuluyan sa tunay na buhay. Ngunit hindi ibig sabihing gusto natin ay gusto na rin nila, sapagkat ang iba ay nagkakatuluyan ngunit ang iba ay may talagang minamahal na o may nakalaan na para sa kanila.


Image courtesy: Lizzie Alarcon | Instagram

Isa na rito ang isa sa pinakagwapo, matipuno at batikang aktor ng kaniyang henerasyon na si Anthony Jesus Alarcon o mas kilala ng lahat bilang si Jestoni Alarcon. Dahil sa kaniyang husay sa pag-arte ay marami ang kaniyang naging proyekto na lalong ikinasikat niya.


Image courtesy: Lizzie Alarcon | Instagram


Image courtesy: Lizzie Alarcon | Instagram

Sa edad na labing-anim na taon ay lakas loob niyang pinasok ang mundo ng showbusiness, at hindi naman siya nabigo. Una siyang lumabas sa isang pelikula sa telebisyon na pinamagatang “Campus Beat” noong taong 1984 kung saan ay isa si Aga Muhlach na kaniyang naging kasama.


Image courtesy: Lizzie Alarcon | Instagram

Sa kaniyang angking kagwapuhan ay hindi malabo na walang magkagusto sa kaniya na kapwa niya rin artista o kasamahan niya sa trabaho. Napabalitang nagkaroon sila ng relasyon ng isa sa kaniyang mga naging kaloveteam na si Rita Avila.


Image courtesy: Lizzie Alarcon | Instagram

Ngunit nilinaw ni Jestoni ang isyung ito sa isang panayam sa kaniya at sinabi niyang walang namamagitan sa kanila ni Rita Avila at ang totoo ay may ibang nagpapatibok na ng puso nito at noong mga panahong yun ay may dini-date na siya.


Image courtesy: Lizzie Alarcon | Instagram

Ang mapalad na babaeng nakabihag ng kaniyang puso ay walang iba kundi si Lizette. Hindi man natuloy ang una nilang pagtatagpo sa unang pagkakataon dahil sa pagputok ng Mount Pinatubo noong taong 1991, ay binigyan naman sila ng second chance kung saan ay nagkita at nasilayan nila ang isa’t isa.


Image courtesy: Lizzie Alarcon | Instagram

Ito ay nang imbitahan sila ng kaibigan nilang si Monet Lu sa isang Japanese restaurant, at dito na nga nalove at first sight ang dalawa. Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng tatlong anak na sina Jessica, Angel at Anthony Pierce.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *