Kilalanin ang napakaguwapong anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez

Minsan, hindi mo aakalain na ang mga bagong bumibida at namamayagpag ngayon na mga batang artista sa telebisyon ay mga anak at apo rin ng mga kilala at beteranong artista.


Image courtesy: Grae Fernandez | Instagram

Isa na rito si Mark Anthony Fernandez, na anak nina Rudy Fernadez at Alma Moreno. Alam naman nating kapwa sina Rudy Fernandez at Alma Moreno ay kilalang-kilala sa mundo ng showbiz dahil sa kanilang husay at galing sa pag-arte, kaya naman ito ay namana ng kanilang anak na si Mark Anthony na talaga naman namayagpag din sa showbiz industry.


Image courtesy: Grae Fernandez | Instagram

Dahil sa kaniyang galing na ipinamalas sa lahat ng role na ibinigay sa kaniya ay pinarangalan siya bilang isang Best Actor at Best Supporting Actor.


Image courtesy: Grae Fernandez | Instagram

Sa ngayon ang batang Fernandez naman ang namamayagpag at gumagawa ng pangalan at ingay sa mundo ng showbiz at ito ay walang iba kundi si Grae Fernandez na anak ni Mark Anthony Fernandez na talaga namang sinundan ang yapak ng kaniyang pamilya.


Image courtesy: Grae Fernandez | Instagram

Talaga namang makikita ang angking kagwapuhan ni Grae na kaniyang namana sa mga Fernandez. Nakilala ang kaniyang husay sa pag-arte sa isang teleserye ng Kapamilya network na talaga namang tinutukan at sinubaybayan ng lahat ang pinamagatang “Ang Sa Iyo ay Akin” na talagang sobrang proud ang kaniyang amang si Mark sa kaniya.

Si Grae Cameron Garcia Fernandez ay ipinanganak noong Nobyembre 7, 2001 sa Manila. Siya ang panganay na anak nina Mark Anthony Fernandez at Melissa Garcia Fernandez. Ang kaniyang bunsong kapatid ay si Rudolf Venedictos Garcia Fernandez.


Image courtesy: Grae Fernandez | Instagram

Hiwalay na ang mga magulang ni Grae sa isa’t-isa, ngunit ganun pa man ay talagang nakasubaybay parin sila sa bawat kilos ng kanilang anak at talagang nandyan para magbigay ng payo. Dahil sa batikan na ang kaniyang ama sa showbiz ay talaga namang nagbigay ito ng matinding payo para sa anak.


Image courtesy: Grae Fernandez | Instagram

Saad nito ay huwag siyang mawalan ng pasensiya bilang isang aktor at maging matiyaga sa kaniyang trabaho, dahil darating din ang araw na makakahanap at makakasungkit din siya ng isang project na kung saan ay talagang makakajackpot siya ng isang markadong role na talagang tatatak at magugustuhan ng tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *