Kilalanin ang mga childstar celebrities na bumida at tumatak sa atin noong dekada nobenta

Sa bawat teleseryeng napapanuod natin sa telebisyon ay hindi malabong wala tayong hinahangaang mga artista, lalong-lalo na pagdating sa mga cute at naggagalingang mga bata na talaga namang mapapahanga ka sa kanila dahil nagawa nila ng buong husay ang role na ibinigay sa kanila.

Mapapahanga ka sa taglay nilang galing sa pag-arte at pati na rin sa kanilang kacute-tan.
Maraming mga child star ang bumida at tumatak sa ating mga puso noong dekada 90, na talaga namang nagawa pa nilang paluhain ang mga manunood dahil sa kanilang husay at galing sa pag-arte na siyang ikinasikat nila.

Magpahanggang sa ngayon ang iba sa kanila ay talaga namang nabibigyan pa rin ng maraming proyekto at umaarangkada pa rin ang kanilang career.

Narito ang mga sumikat at bumidang child star noon na sa ngayon ay isang mga ina na maging ito man ay on and off screen. Nagagampanan at napapagsabay parin ang kanilang trabaho at pagiging isang ina at asawa.

1. Judy Ann Santos – Agoncillo

Image courtesy: Judy Ann Santos- Agoncillo | Google

Hindi malilimutan ang kaniyang husay at galing sa pag-arte na talaga namang madadala ka niya lalo na pagdating sa iyakan. Sa kaniyang murang edad ay gumanap siya bilang si Ula sa teleseryeng, Ang Batang Gubat.

Ngunit mas lalo pa siyang hinangaan at sinubaybayan ng mga manunood ng ilabas niya ng buong husay ang kaniyang galing sa pag-arte sa isang teleseryeng sinubaybayan at hinangaan ng lahat ang, “Mara, Clara.” Binansagan siyang “drama princess” sa mundo ng showbiz. Sa ngayon ay kasal na siya kay Ryan Agoncillo at ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak na sina Yohan, Lucio at Luna.

2. Claudine Barretto


Image courtesy: Claudine Barretto | Instagram

Siya ay binansagang “Optimum Star”, dahil sa kaniyang angking galing bilang isang artista. Isa rin siya sa pinakasikat na aktres noong dekada 90 na kung saan ay talagang sinubaybayan rin siya ng marami sa kaniyang role bilang si Bia sa kaniyang serye na “Mula sa Puso”. At gumanap rin bilang anak ng King of Comedy na si Dolphy sa isang sitcom na Home Along The Riles.

3. Angelu De Leon


Image courtesy: Angelu De Leon | Instagram

Ang artistang sumikat at nagsimula sa “Ang TV”, ngunit mas nakilala ng marami nang bigyan siya ng role sa T.G.I.S, bilang si Peachy kung saan ay nakatambal niya rito si Bobby Andrews.
Sa ngayon ay masaya siyang nagsisilbi sa kaniyang asawang si Wowie Rivera at sa kaniyang mga anak.

4. Camille Prats.


Image courtesy: Camille Prats | Instagram

Siya lang naman ang bumida at nagpa-iyak sa atin sa kaniyang teleseryeng pinamagatang “Sarah Ang Munting Prinsesa”. Ang kaniyang asawa ay si VJ Yambao at ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng dalawang anak.

5. Jolina Magdangal


Image courtesy: Jolina Magdangal

Ipinamalas niya ang kaniyang husay at galing sa pagkanta sa “Ang TV”. Mas lalong nakilala at minahal ng lahat ng magkatambal sila ni Marvin Agustin sa “Gimik”, kung saan ay kinilala siya doon bilang si CS. Ang kaniyang asawa ay si Mark Escueta at ang kanilang anak ay sina Pele at Vika.

6. Angelica Panganiba


Image courtesy: Janus Del Prado | Instagram

Sino ba naman ang makakalimot kay Angelica na kung saan ay alam naman nating siya ang nagpahirap at naging kontrabida kay Camille Pratts sa teleseryeng, “Sarah Ang Munting Prinsesa”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *