Hinangaan ng netizens ang walang kupas na kagandahan ni Lucy Torres Gomez

Minsan hindi natin maiwasan na humanga, magandahan at maakit sa taglay na ganda ng mga babaeng ating nakikita. Alam naman natin na kahit babae tayo ay talagang hinahangaan pa rin natin ang kapwa natin babae dahil sa taglay nilang kagandahan at kaputian na lalong nangingibabaw sa kanilang magandang kasuotan.

Image courtesy: Lucy Torres-Gomez | Instagram

Maraming mga babaeng artista ang talagang hinahangaan at sinusubaybayan natin. Na kahit may edad na sila ay talaga namang kitang-kita mo pa rin sa kanilang pisikal na kaanyuan na talagang hindi sila tumatanda, edad lang ang nagbabago sa kanila.


Image courtesy: Lucy Torres-Gomez | Instagram


Image courtesy: Lucy Torres-Gomez | Instagram

Minsan ay magugulat ka nalang at mapapatanong kung ano ang kanilang mga ginagawa upang mapanatili ang ganoong klase ng pangangatawan at kagandahan. Hindi natin maiwasan na subaybayan ang kanilang skin care routine o ano pang mga aktibidades ang kanilang ginagawa para ma achieved ang ganung klase ng looks.


Image courtesy: Lucy Torres-Gomez | Instagram


Image courtesy: Lucy Torres-Gomez | Instagram

Kabilang na rito ang kasalukuyang Representative ng pang-apat na distrito ng Leyte na walang iba kundi si Lucy Torres-Gomez ang mala-anghel at napakagandang may-bahay ng aktor na si Richard Gomez, ang Mayor ng Ormoc.


Image courtesy: Lucy Torres-Gomez | Instagram


Image courtesy: Lucy Torres-Gomez | Instagram

Makikita naman sa edad na 46-taong gulang ay talaga namang kaya pang makipagsabayan ni Lucy Torres sa pagsusuot ng mga pangdalaga na kasuotan dahil sa magandang hubog ng katawan nito na hindi mo aakalaing may asawa at anak na at ang kaniyang nag-iisang anak ay 20 taong gulang na.


Image courtesy: Lucy Torres-Gomez | Instagram

Para sa kaalaman ng lahat ay pinasok din ni Lucy Torres ang mundo ng showbiz, kung saan ay dito nasilayan ng lahat ang taglay niyang kagandahan. Naging kabilang rin siya sa mga pinakamagandang aktres noon sa showbiz. Taong 1993 siya ay ipinakilala bilang bagong modelo para sa Lux shampoo kasama ang kaniyang asawa na si Richard Gomez.


Image courtesy: Lucy Torres-Gomez | Instagram

Si Lucy Torres Gomez ay ipinanganak noong Disyembre 11, 1974 sa Ormoc, Leyte. Ikinasal sina Lucy Torres at Richard Gomez noong Abril 28, 1998 sa St. Peter at Paul Parish Church sa Ormoc City, Leyte. Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng isang anak na babae na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez na ipinanganak noong Setyembre 8, 2000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *