Ito ang malaking pagbabago sa katawan ni Mariel Padilla mula nang bumigat ng husto ang kaniyang timbang

Hindi na iba sa ating isipan na matapos manganak ng ating mga mahal na ina o asawa ay may kaakibat na malaking pagbabago sa kanilang mga katawan. Madalas sila ay tumataba at ang iba naman ay tila wala nagbago. Tulad lang din naman ng mga inaabangan at hinahangaan natin artista na matapos nilang manganak ay may pagbabago sa kanilang mga magagandang pangangatawan.


Image courtesy: Mariel Padilla | Instagram

Ngunit hindi din nila ito pinapatagal sapagkat gumagawa sila ng paraan para manumbalik ang magandang figure na ating kinagisnan. Tulad na lang din ng isa sa mga paborito nating host at asawa ng idol natin na si Robin Padilla, ito ay walang iba kundi si Mariel Padilla.


Image courtesy: Mariel Padilla | Instagram


Image courtesy: Mariel Padilla | Instagram

Sino nga ba naman ang makakalimot sa magandang pangangatawan at maamong mukha ni Mariel Padilla noong una natin siyang masilayan sa showbiz. Marami sa atin din noon ang nahumaling dahil sa kanyang kagandahan at talento sa pag host. Hanggang makilala siya ng ating idol na si Robin Padilla at pakasalan siya ng tatlong beses sa magkakaiba na ritual.


Image courtesy: Mariel Padilla | Instagram

Ang unang kasal nila ay isang Muslim Wedding, sumunod dito ay isang Born Again Christian Wedding at ang pangatlo naman ay isang Igorot Wedding.


Image courtesy: Mariel Padilla | Instagram

May balak din si Robin noon na pakasalan ulit sa Mariel sa pamamagitan Catholic Wedding at Civil Wedding. Ang pagmamahalan ng dalawa ay nagbunga ng isang napakaganda at ubod ng cute na batang babae na nagngangalang Maria Isabella Padilla.


Image courtesy: Mariel Padilla | Instagram

Simula noon hindi na natin masyado nakita si Mariel sa harap ng camera at nasusubaybayan na lamang natin siya sa pamamagitan ng social media.


Image courtesy: Mariel Padilla | Instagram

Napag-alaman natin na malaki ang ipinagbago ng kanyang pangangatawan dahil siya ay tumaba. Ngunit tulad din ng ibang artista ay gumawa siya ng paraan upang manumbalik ang katawan na kanyang kinagisnan noon. Hindi naman nabigo ang host dahil napagtagumpayan niya ito sa loob ng tatlong buwan.


Image courtesy: Mariel Padilla | Instagram

Halos 42 lbs ang nabawas sa kanyang timbang na kapansin pansin na sa mga bagong litrato na kanyang ibinabahagi sa social media. Marami sa mga netizens sa ngayon ang natuwa sa malaking pagbabago ng pangangatawan na ito na Mariel Padilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published.