Nagpalagay ng mamahaling Jacuzzi ang aktor na si Nash Aguas sa kanilang tahanan

Sabi nila, wala sa edad ang pagiging matagumpay sa buhay, bata ka man o matanda kung nagpupursige at may mga pangarap ka sa buhay ang lahat ng mga naisin mo ay iyong makukuha.


Image courtesy: Nash Aguas | Instagram

Ano mang bagay man dito sa mundo, kung pagsisikapan mo, sasamahan mo ng sipag at tiyaga at may pananalig ka sa Diyos, hindi malabong maabot mo ang lahat ng ito. Ang iyong sarili at pamilya lamang ang siyang makakatulong sa iyo upang umangat at gumanda ang iyong buhay.


Image courtesy: Nash Aguas | Instagram

Isa na rito si Nash Aguas na sa murang edad palang ay marami ng natanggap at nabili para sa sarili at sa kaniyang pamilya. Makikita sa Instagram account ni Nash ang kaniyang bagong post na jacuzzi noong Setyembre 19 na kaniyang ipinalagay sa kanilang tahanan sa Cavite.


Image courtesy: Nash Aguas | Instagram

Hindi inihayag o ibinunyag ni Nash kung saan niya nabili ang nasabing hot tub, pero ang nasabing jacuzzi na kasing laki at lawak ng anim na tao ay nagkakahalaga mula 450,000 hanggang 575,000 thousand pesos.


Image courtesy: Nash Aguas | Instagram

Kung isasaalang-alang ang halaga ng nasabing jacuzzi, ay nakapagsulat si Nash ng isang pabirong kapsyon na kung saan ay nasabi ng kaniyang ina na hindi muna papaliguan, sa halip ay nagpapicture nalang ang aktor sa nasabing hot tub.


Image courtesy: Nash Aguas | Instagram

Ngunit pagkaraan ng ilang araw, ayon sa larawang ibinahagi ni Chloe sa kaniyang Instagram account noong Setyembre 22 ay makikita sa kanilang mga mukha na nag-eenjoy na sila sa pinakabagong paboritong lugar nila sa kanilang tahanan.


Image courtesy: Nash Aguas | Instagram

Kaakibat nito ay nagpost din si Nash ng kaniyang larawan sa kaniyang Instagram na kung saan ay may kapsyon na “Fear the beard.”


Image courtesy: Nash Aguas | Instagram

Si Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas o mas kilala ng lahat bilang si Nash Aguas ay ipinanganak noong Oktubre 10, 1998 sa San Roque, Cavite City. Isang aktor, mang-aawit at isang modelo na sa murang edad na limang taong gulang ay sinubukan niya ng pasukin ang mundo ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *