Silipin ang bagong bahay ng singer actress na si Zsa Zsa Padilla at kaniyang nobyo na si Conrad Onglao

Marami na tayong nasubaybayan na tahanan na pinakita satin ng ating mga idolo. Karamihan sa mga tahanan na ito ay sobrang ganda at elegante. Nakakapulot din tayo ng inspirasyon para sa sarili nating pangarap.


Image courtesy: RealLiving | Home Website

Hindi mo din maitatanggi na ang yaman na meron ang ating mga idolo at ito ay dahil na din sa kanilang sipag at tiyaga sa kanilang mga propesyon. Kung kaya hindi lamang sa mga disenyo natin pwede natin sila hangaan kundi sa kanilang mga ugali na kung saan hindi dapat sumuko at gagawin ang lahat upang makamtan ang minimithi.


Image courtesy: RealLiving | Home Website

Image courtesy: RealLiving | Home Website

Tulad na lamang ng isang kilalang aktres at napakagaling na singer na si Zsa Zsa Padilla. Ipinasilip niya ang kanilang bahay ng kanyang asawa ngayon na si Conrad Onglao. Hindi maikakaila na ang kagandahan ng kanilang bahay ay tila nasa ibang bansa ka dahil sa sobrang elegante nito.


Image courtesy: RealLiving | Home Website


Image courtesy: RealLiving | Home Website

Ang tahanan na ito na kanilang ibinahagi sa publiko ay matatagpuan sa Makati. Mayroon itong tatlong palapag at sa isang exclusive village sila mismo nakatira. Ang nakakahanga pa sa tahanan nina Zsa Zsa at ng kanyang partner ay mismong si Conrad ang nagdisenyo nito.


Image courtesy: RealLiving | Home Website

Marami sa mga netizens ang natuwa at nagandahan sa bahay na ito. Dahil sa glass window na sadyang bagay sa kulay ng kanilang bahay na puti. Napapalibutan din ito ng isang katutak na halaman na talaga namang napakagaan sa mata kung iyong pagmamasdan.


Image courtesy: RealLiving | Home Website

Isa pa sa mga nakakahanga sa tahanan na ito ay wala ito umanong gate. Higit sa lahat ay tila isang mall ito dahil may sarili silang elevator papunta sa mga paborito nilang parte ng kanilang tahanan. Ngunit saad nila ay mas gusto pa din nila gamitin ang hagdan dahil nagsisilbi itong exercise din para sa kanilang dalawa.


Image courtesy: Zsa zsa Padilla | Instagram

Kung ating matatandaan ang dating partner ni Zsa Zsa Padilla ay ang yumaong King of Comedy na si Dolphy. Nang lumisan si Dolphy ay malaking sakit ang naidulot nito sa kanya ngunit bumangon ito pakonti konti hanggang sa nakilala niya ang kanyang kasalukuyang partner na si Conrad Onglao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *