Kilalanin ang napakagandang anak ng batikang action star na si Lito Lapid na nagngangalan na Maria Ysabel Ortega

Dahil sa social media ay madali na lang natin makita at malaman ang lahat ng tungkol sa buhay ng ating mga iniidolo. Lalong-lalo na ang ating mga iniidolo na artista noong 90’s ay nasusubaybayan na din natin nang walang kahirap-hirap.


Image courtesy: Ysabel Ortega | Instagram

Kung dati ay nahihirapan tayo na makilala ang kanilang pamilya at makita ang kanilang mga anak ngayon sa isang pindot mo lamang ay lalabas na lahat. Sa ating pag-antabay ay nagugulat na lamang tayo sa ating mga natutuklasan dahil ngayon palang natin nasisilayan ang kanilang mga nag-gagandahan at nag-gagwapuhan na mga anak. Tulad na lamang ng anak ni Senator Lito Lapid na si Maria “Ysabel Ortega” Lapid.


Image courtesy: Ysabel Ortega | Instagram

Karamihan sa mga Pilipino ay kilalang kilala si Senator Lito Lapid dahil sa kanyang mga nag-gagandahang aksyon movies. Sa kanyang mga linyahan, galawan at pananamit ay mailalarawan mo siya bilang isang astig na personalidad.


Image courtesy: Ysabel Ortega | Instagram


Image courtesy: Ysabel Ortega | Instagram

Kasalukuyang ang ating idolo na si Manuel “Lito” Mercado Lapid o mas kilala sa pangalan na Lito Lapid ay 65 taon gulang na at siya ay ipinanganak noong Oktubre 25 taong 1955 sa Porac, Pampanga.


Image courtesy: Ysabel Ortega | Instagram

Nagsimula umano ang magaling na aktor bilang isang stuntman at mas nakilala siya nang gampanan niya ang buhay ng kanyang pinsan na si Jess sa pelikulang “The Jess Lapid Story” noong 1978.


Image courtesy: Ysabel Ortega | Instagram

Simula noon ay sunod-sunod na ang mga oportunidad ang pumasok sa kanyang buhay at tinagurian na isa sa mga magaling na aksyon star. Naisipan din pumasok ng aktor bilang isang pulitiko at hanggang ngayon ay isa na din siya sa mga kilalang pulitiko at nanunungkulan bilang isang senador.


Image courtesy: Ysabel Ortega | Instagram

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang anak ni Lito Lapid na si Maria “Ysabel Ortega” Lapid dahil sa kanyang nakakabighani na kagandahan at kabutihang asal. Siya ay 20 taon gulang na babae at kasalukuyang nasa showbiz na din at kilala siya sa pangalan na Ysabel Ortega.


Image courtesy: Ysabel Ortega | Instagram

Sa una ay maraming tao ang hindi makapaniwala na siya ay anak ng dating aksyon star. Hindi na din nakakapagtaka kung saan niya namana ang nakakabighaning kagandahan na meron siya dahil parehong kanyang mga magulang ay dating parte ng showbiz. Ang kanyang ina naman ay walang iba kundi si Michelle Ortega na isa ding kilalang aktres at magaling na singer at kasalukuyang nagtratrabaho din ngayon sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *