Ating silipin ang napakagandang tahanan ng batikan na mang-aawit na si Pops Fernandez

Sa bawat mga pangarap natin sa buhay ay hindi mawawala ang pangarap at ninanais na magkaroon tayo ng isang maganda at magarang tahanan kung saan ay kasama natin ang ating mga mahal sa buhay.


Image courtesy: Pops Fernandez | Instagram

Kaya naman sobra-sobra ang ating pagpupursige at pagsusumikap sa pagtatrabaho para masilayan natin ang ating pinapangarap na bahay. Minsan nagiging inspirasyon natin ang mga disenyong tahanan ng mga iniidolo natin dahil sa taglay nitong laki at kagandahan mapaloob man o labas.


Image courtesy: Pops Fernandez | Instagram


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Kamakailan lamang ay ginulat ni Pops Fernandez ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ng ipakita nito ang kaniyang napakagandang tahanan. Ang nasabing tahanan ng concert queen ay may sukat na 300 square meters at may temang modern Asian na kung saan ang nasabing tahanan ay may wooden elements at glass.


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Maging ang loob ng tahanan ay ipinakita at isa na rito ang living at dining area na talagang mamamangha ka sa sobrang ganda, napakaaliwalas at maluwang at walang naghahati rito.

Saad ni Pops na ang kusina at dining area ang pinakapaboritong parte niya ng kanilang tahanan kung saan ay nagkakaroon sila ng time at bonding ng kaniyang anak. Ayon sa isang panayam kay Pops sa isang “Yes! Magazine Team” ay kaniyang ibinahagi ang kaniyang mga pinagdaanan bago siya natutong mag-bake.


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Dagdag pa niya na kasama niya ang kaniyang anak sa pagluluto na talagang ikinatuwa niya dahil nakakabonding niya ang kaniyang dalawang anak na sina Robin at Ram na mas lalong ikinatuwa niya dahil may tagatikim ng kaniyang mga niluluto.


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Dagdag pa ni Pops na maliban sa pagmamahal na ibinibigay niya sa kaniyang mga anak ay talagang nabubusog niya ito ng masasarap niyang lutuin na talagang ikinatutuwa ng kaniyang mga anak.


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Si Maria Cielito “Pops” Lukban Fernandez o mas kilala ng lahat bilang si Pops Fernandez ay ipinanganak noong Disyembre 12, 1966 sa Lucban, Quezon at anak ng dating aksyon star na si Eddie Fernandez at Dulce Lukban.

Leave a Reply

Your email address will not be published.