Kilalanin ang matalino at napakatalentadong anak ng komedyante at host na si Jose Manalo

Madami na tayong nakikilalang mga anak ng mga iniidolo nating mga aktor at mga aktres. Minsan nga ang iba, hindi natin aakalain na anak pala nila ang mga magagaling, gwapo at magagandang artista na atin naring sinusubaybayan at iniidolo.

Image courtesy: Benj Manalo | Instagram

Bilang mga magulang na kilala na sa mundo ng showbiz ay natutuwa ring namana ng kanilang mga anak ang angkin nitong kagwapuhan at kagandahan at higit sa lahat ay ang sumunod sa yapak ng kanilang mga magulang, ang pumasok rin sa larangan ng showbiz.


Image courtesy: Benj Manalo | Instagram

Sino nga ba ang hindi napatawa ng isang kilalang beteranong komedyante at aktor na si Jose Manalo na ang totoong pangalan ay Ariel Pagtalonia Manalo? Nakilala siya bilang isang masayahin at kwelang host ng isang noon-time show ng Kapuso Network, ang Eat Bulaga. Ngunit ang hindi alam ng lahat na si Jose Manalo ay may naggagandahan at naggagwapuhang mga anak.


Image courtesy: Benj Manalo | Instagram

Isa na rito si Benj Manalo na talagang gumagawa na rin ng sariling pangalan sa larangan ng industriya. Lumabas siya sa isang musikal band na “Rak of Aegis” kasama si Aicelle Santos.


Image courtesy: Benj Manalo | Instagram

Minsan na rin siyang lumabas sa mga serye ng telebisyon kasama ang mga magagaling at mga may award na aktor katulad ni Coco Martin. Kamakailan lamang ay kaniyang inilunsad ang kaniyang vlog na “#BenjFTW” na kung saan ay kaniyang inilabas sa kaniyang Facebook account.


Image courtesy: Benj Manalo | Instagram

Para sa kaalaman ng lahat ay marami nang naging karanasan si Benj na magperform sa maraming tao dahil siya ay isang theatre aktor bago pa man pasukin ang mundo ng showbiz.


Image courtesy: Benj Manalo | Instagram

Si Don Benjamin Manalo o mas kilala bilang si Benj Manlo ay ipinanganak noong Hulyo 30, 1995. Ang kaniyang mga kapatid ay sina Myki, Nicco, Ai at Colyn Manalo. Siya ay ikinasal kay Lovely Abella noong Enero 23, 2021 sa Lemuria Gourmet Restaurant sa Quezon City.


Image courtesy: Benj Manalo | Instagram

Kamakailan lamang ay inihayag ni Benj sa kaniyang social media account ang kaniyang labis na pagmamahal sa kaniyang asawa.


Image courtesy: Benj Manalo | Instagram

Ibinahagi niya rito kung gaano siya kasaya at nagpapasalamat kay Lovely sa mahigit tatlong taon nilang pagsasama ng may masasayang memorya na nabuo at pinapanalangin niya pa ang maraming taon ng kanilang masaganang pagsasama at pagmamahalan sa isa’t-isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *