Kilalanin ang napakaguwapong kapatid ni Coco Martin na isa na ring ganap na artista

Madalas natin pag-usapan ay ang mga anak ng ating mga iniidolo na mga artista ngunit ni minsan ay hindi pa natin nasilip ang mga kapatid ng ating mga iniidolo na nagtatrabaho din sa showbusiness.

Image courtesy: Ronwaldo Martin | Instagram

Hindi tulad ng kanilang mga kapatid na kilala at madalas nasusubaybayan na natin sa showbusiness ay talagang kapansin-pansin din ang sobrang kagwapuhan at kagandahan ng mga kapatid nila. Mapapasabi ka na lang na pati sila ay maaaring maging katulad ng kanilang mga kapatid sa showbusiness na sikat.


Image courtesy: Ronwaldo Martin | Instagram

Kung hindi pa sa social media ay hindi din natin sila makikilala na kapatid pala siya ng isa sa mga sikat na artista. Tulad na lamang ng kilalang aktor at hinahangaan ng karamihan ng kasalukuyang henerasyon na si Coco Martin.


Image courtesy: Ronwaldo Martin | Instagram

Isa si Coco Martin sa mga modernong action star na kilalang-kilala natin ngayon dahil sa kaniyang serye na pinamagatang “Ang Probinsyano”. Ito na yata ang isa sa mga pinakamahaba na running series sa Pilipinas at patuloy na nagpapasaya sa bawat Pilipino na sumusubaybay.


Image courtesy: Ronwaldo Martin | Instagram

Tinagurian din si Coco Martin bilang isang “Prince of Indie Movies” dahil kung hindi niyo pa alam ay dito siya nagsimula bago natin makilala ang Coco Martin na ating kilala ngayon.


Image courtesy: Ronwaldo Martin | Instagram

Kilala ang aktor bilang isang family centered person dahil bago ang lahat ay pamilya muna dapat. Kung kaya ang kanyang nakakabatang kapatid ay sobrang iniidolo siya sa lahat ng bagay.


Image courtesy: Ronwaldo Martin | Instagram

Ang kapatid ni Coco Martin na ito ay nagngangalang Ronwaldo at siya ay 20 taon gulang. Nais din ng kapatid ni Coco na maging katulad ng kanyang kuya at bumuo ng pangalan sa larangan ng showbusiness.


Image courtesy: Ronwaldo Martin | Instagram

Ang payo naman sa kanya ng kanyang nakakatandang kapatid ay tularan siya na magsimula muna sa pagbida sa mga Indie Film upang mahasa ang kanyang kakayahan sa pag-arte.


Image courtesy: Coco Martin | Instagram

Maliban dito ay isa din itong daan upang maging handa sa mga pagsubok kung sakali siya ay pumasok na sa napakalaking mundo ng showbusiness. Kasalukuyang nakakabuo na din ng pangalan si Ronwaldo at nanalo na ng iba’t-ibang awards. Nabigyan na din siya ng role sa mismong palabas ng kanyang kuya sa “Ang Probinsyano”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *