Nakakamangha ang mga kakaibang koleksyon ni Joey de Leon sa kanilang tahanan

Bawat isa sa atin ay may nais na makamit at mapatunayan sa buhay, kaya naman labis-labis ang ating pagtitiyaga sa trabaho upang maabot ang mga ito. Marami rin tayong mga hinahangaan na mga artista dahil sa kanilang mga ipinapakitang talento at dedikasyon sa kanilang trabaho.

Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Isa na rito si Joey de Leon ang pinakahinahangaang host ng longest-running afternoon show ng Kapuso network na pinamagatang Eat Bulaga. Dahil sa kaniyang sipag at tiyaga sa pagtatrabaho ay kaniyang nakuha at nabili ang mga nais niyang bagay at ito ay ang mga iba’t-ibang klase ng painting ng kaniyang paboritong pintor.


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Hindi na itatago ang kaniyang hilig sa mga artistic pieces kaya naman kung kayo ay makakapunta sa kaniyang tahanan sa Pasig ay inyong makikita ang napakaraming display ng mga painting at sining ng kaniyang paboritong pintor na kilala rin bilang “national artist” “Ang Kiukok”.


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Dahil sa hilig niya sa mga likhang sining na gawa ng mga pintor ay nakahiligan niya ang mga konsepto ng painting na tulad ng mga payaso na talagang itinulad niya sa kaniyang sarili dahil alam naman nating magaling at kilala din siya ng lahat bilang isang komedyante.


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Kung ikaw ay bibisita sa kanilang tahanan, ay sasalubungin ka na ng mga antigo at magaganda at kakaibang disenyo ng sining. Makikita mo rin ang kanilang puting sofa at kakikitaan mo ng mga nakamamangha at kakaibang sining. Mayroon din siyang isang ceramic plate ng isang kilalang national artist na si Ben Cab.


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Kung papasok ka ng kanilang tahanan, isa sa pinakamagandang bahagi ng kanilang tahanan ay ang kanilng swimming pool na hindi nasisinagan ng araw.


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Talagang isang inspirasyon sa lahat si Joey de Leon dahil sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga at nakamit niya ang anumang layunin na naisin niya sa buhay para sa sarili at sa kaniyang pamilya.


Image courtesy: RealLiving | Entertainment Website


Image courtesy: Joey De Leon | Instagram

Si José “Joey” María Ramos de León Jr. ay ipinanganak noong Oktubre 14, 1946 sa Binondo, Manila. Pangalawang anak nina José Seoane de León at Emma Manahan Ramos.

Leave a Reply

Your email address will not be published.