Kilalang-kilala si Marietta Subong o mas kilala natin bilang “Pokwang” sa larangan ng show business. Hindi man kagandahan si Pokwang pero masasabi mo na siya ay sikat na sikat sa buong Pilipinas sa kadahilanan na siya ay isang napakatalentadong babae.
Image courtesy: itspokwang27 | Instagram
Hindi matatawaran ang galing niya sa pagpapatawa lalo na sa larangan ng komedya, sa kabilang banda naman hindi mo rin maiiwasang maiyak kapag siya ay nasa akto na ng pang drama. Isa rin siya sa pinakamagaling maghost ng mga programa sa telebisyon at marunong din siyang kumanta.
Image courtesy: itspokwang27 | Instagram
Sa isang programa sa telebisyon, ibinahagi niya ang mga katangian na nagpa-ibig sa kaniya ng kaniyang amerikanong partner na si Lee O’Brian, lalo na ang pagmamahal nito sa kulturang Pilipino. Yun ang pinakanagustuhan ni Pokwang sa kaniyang partner. Ang pagtanggap at pagyakap niya sa Kulturang Pilipino.
Image courtesy: itspokwang27 | Instagram
Isa rin sa bumihag sa puso ni Pokwang ay ang pagiging marespeto ni Lee O’Brian lalo na sa anak niya. Nagsimulang ang relasyon ng dalawa noong taong 2015. Nagbunga ang kanilang pag-iibigan ng isang anak, ito ay si Malia.
Image courtesy: itspokwang27 | Instagram
Nagustuhan rin Pokwang kung paano kumain ang kaniyang partner “mas Pilipino pa nga siya kaysa sa mga kilala kong kaibigan na half-half” Sabi ni Pokwang.
Image courtesy: itspokwang27 | Instagram
Paborito niya rin daw na kainin ang mga pagkaing Pinoy tulad ng Balut, Durian, at iba pa. Kailangan din daw na sa loob ng isang Linggo, hindi sila nawawalan ng “Pinaksiw”. Paborito din ni Lee O’Brian ang pagkain ng pandesal.
Image courtesy: itspokwang27 | Instagram
Sa Panahon ngayon madaming mga Filipina o kahit pinoy ang nahuhumaling sa ibang lahi. Kadalasan sa ibang bansa naninirahan ang mga Pilipino na nakapag-asawa ng ibang lahi sapagkat doon nila mas piniling manirahan.
Image courtesy: itspokwang27 | Instagram
Masuwerte ka nalang kung nakatagpo ka ng ibang lahi na tatanggapin hindi lang ang buong pagkatao mo pati na rin ang pagiging Pilipino mo, iyong tipong magpapaka Pilipino din para sayo. Pero ganoon pa man, hindi masusukat sa kulay o lahi ang pagpili ng dapat mong mahalin. Karapat-dapat at sapat na siguro taong mahal ka at tanggap ang buong pagkatao mo.