Kilalanin ang mga artista na nakasungkit ng Cum Laude sa kanilang napiling kurso sa kolehiyo

Nakakagulat isipin na minsan hindi lamang purong ganda at kagwapuhan ang mayroon ang ating mga idolo. Dahil may ibubuga rin ang mga ito pagdating sa akademya. Kung kaya hindi lamang dapat natin sila hangaan dahil sa kanilang taglay na pisikal na anyo kundi pati rin sa kanilang taglay na katalinuhan.

Ating kilalanin ang mga celebrity na nagpakita ng kanilang galing noong sila ay nasa kolehiyo pa lamang.


Image courtesy: Shamcey Supsup | Instagram

Nangunguna sa ating listahan ay ang isang sa mga kilalang nanalo sa beauty pageant na Miss Universe Philippines na si Shamcey Supsup noong 2011. Pinakita niya sa nasabing patimpalak na iyon na hindi lamang ganda ang kanyang baon kundi pati na rin ang kanyang katalinuhan na mayroon siya noon pa man.

Para sa ating kaalaman na ang ating idolo na si Shamcey ay nagtapos sa kursong Architecture sa Unibersidad ng Pilipinas. Dahil sa kanyang galing na ipinamalas sa kursong iyon ay nagtapos ang beauty queen na isang Magna Cum Laude. Napabilang din si Shamcey sa mga mayroong pinakamataas na rating sa eksaminasyon para maging isang lisensyadong Architect.


Image courtesy: Carla Abellana | Instagram

Sunod sa ating listahan ay walang iba kundi si Carla Abellana. Sino nga ba naman ang hindi nakakikilala sa napakagaling na aktres na ito. Maliban sa kanyang taglay na kagandahan ay may taglay din pala itong talino. Dahil napag-alaman na siya ay nagtapos sa Dela Salle University sa kursong Bachelor of Arts na may bitbit pauwi na parangal na Cum Laude.


Image courtesy: Giselle Sanchez | Instagram

Hindi rin magpapatalo ang isang aktres na si Giselle Sanchez. Kilala natin ang magandang aktres na ito dahil sa kanyang kagalingan sa pag-arte lalo na sa pagpapatawa. Siya naman ay nagtapos sa kursong Broadcast Communication sa parehong Unibersidad na kung saan nagtapos si Shamcey Supsup at nakasungkit ng parangal na Magna Cum Laude.


Image courtesy: Venus Raj | Instagram

Maliban kay Shamcey ay may isa pang beauty queen na nagpakita ng kanyang galing sa mga beauty pageant at ito ay walang iba kundi si Venus Raj. Siya naman ay nakapagtapos sa kursong Communication Arts major in Jounalism na may parangal na Cum Laude sa Bicol University na matatagpuan sa Legazpi, City.


Image courtesy: Myrtle Sarrosa | Instagram

Sino nga ba naman ang nakakalimot kay Myrtle Sarrosa na nagpamalas ng galing sa isang sa mga paborito nating palabas sa telebisyon na pinamagatang Pinoy Big Brother. Siya naman ay nakapagtapos sa kursong Broadcast Communication bilang isang Cum Laude sa Unibersidad ng Pilipinas.


Image courtesy: Cristine Bersola-Babao | Google

Hindi rin mawawala sa ating listahan ang isang sa mga kilala at hinahangaan na news anchor na si Cristine Bersola-Babao. Nakapagtapos din ang kilalang news anchor na ito sa Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Film-Audio Visual Communication bilang Cum Laude.


Image courtesy: Melanie Marquez | Instagram

Hindi rin magpapahuli ang kilalang aktres at beauty queen na si Melanie Marquez. Nakapagtapos ang kilalang celebrity na ito sa International Academy of Management and Economics sa kursong Business Administration na may parangal na Cum Laude. Sila ay iilan lamang sa mga tinagurian na tao na may beauty with brains.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *