Hinangaan ng netizens ang dati-rating cute lamang na childstar na si Mika Dela Cruz na isang ganap na dalaga na ngayon

Hindi mo nga naman aakalain na ‘yong mga dati nating hinahangaan na child star ay isa ng ganap na binata at dalaga. Nakagugulat lamang isipin na kay bilis lumipas ng panahon. Ngayon ay ubod na sila ng kagalingan sa mga larangan na kanilang tinatahak sa buhay.

Image courtesy: Mika Dela Cruz | Instagram

Hindi mo maikakaila sa iyong sarili na mas malayo pa ang mararating ng mga ito sa kanilang career. Sila na ang masasabi natin na mga susunod na star na magiging paborito ng lahat ngayong bagong henerasyon. Isa na dito ang napakaganda at napakagaling na dating child star na si Mika Dela Cruz.


Image courtesy: Mika Dela Cruz | Instagram

Una nating nasaksihan ang dalaga sa isang talent search na pinamagatang Star Circle Quest Kiddie Edition na kung saan ay kanila tayong pinahanga sa galing nila sa pag-arte, sayaw, at pagkanta. Kasabayan niya sa mga panahon na iyon ang isa ring kilala na batang artista na si Nash Aguas.

Image courtesy: Mika Dela Cruz | Instagram


Image courtesy: Mika Dela Cruz | Instagram

Natunghayan na natin ang mga bata na ito noon pa sa iba’t-ibang proyekto na ating inaantabayanan sa Kapamilya Network. Tayo ay kanilang napasaya, napahanga at napaiyak sa mga karakter na kanilang ginampanan.


Image courtesy: Mika Dela Cruz | Instagram

Si Mika Dela Cruz ay ang nakababatang kapatid ng kilalang aktres na si Angelika Dela Cruz na mapapanood natin sa Kapuso network. Masasabi natin na nasa dugo na talaga nila ang pagiging maganda at magaling sa pag-arte.


Image courtesy: Mika Dela Cruz | Instagram

Naging usap-usapan ang nasabing artista dahil ng siya ay nagdalaga mas lumitaw ang kanyang kagandahan. Nagulat ang kanyang mga tagahanga sa mga latest niyang litrato na kung saan mature siyang tingnan at ubod ng ganda.


Image courtesy: Mika Dela Cruz | Instagram

Nakabibighani ang mga litrato na ito na kuha sa Singapore para mag endorse ng isang clothing brand. Apartment 8 clothing’s new collection ang kanyang ini-endorsong damit at kasama niya rito ang isa ring kilalang kapuso star na si Julie Anne San Jose.


Image courtesy: Mika Dela Cruz | Instagram

Kapansin-pansin sa mga litrato ang iba’t-ibang tema ng kanyang damit tulad ng chic office look at classy dress na nagpalitaw pa lalo ng kanyang kagandahan. Umani ang post na ito nang maraming papuri mula sa mga netizens at ikinatuwa naman ito ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *