Ito ang resort ng napakagandang artista na si Heart Evangelista sa Boracay na kung saan isa siya sa nagmamay-ari

Kilala natin si Heart Evangelista sa mundo ng “Show Business”. Isa siya sa mga hinangaan sa galing niya sa pag-arte. Hindi rin natin maitatanggi na isa siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz noong kapanahunan ng kaniyang karera.


Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram


Image courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Kilala natin siya sa madalas na karakter niya bilang isang anak mayaman, englishera, inosente at iba pa dahil na rin siguro na ganoon ang nababagay na “role” sa kaniya. Tumatak din at talagang di malilimutan ang tambalang John Prats at Heart Evangelista na nagpakilig sa atin noon.

Image courtesy: Harlan Boracay | Instagram


Image courtesy: Harlan Boracay | Instagram

Ngunit nasaan na nga ba si Heart Evangelista ngayon?

Si Heart Evangelista ay ineenjoy ang bunga ng kaniyang pinaghirapan na isa sa nagmamay-ari ng isang resort sa isla ng Boracay. Nabanggit ni Heart Evangelista na inilagay niya ang iba sa kaniyang mga naipon para sa nasabing resort na pinangalanan na “Harlan Beach Villa” na nakabase sa Station 1 ng Boracay.


Image courtesy: Harlan Boracay | Instagram


Image courtesy: Harlan Boracay | Instagram

Nabighani sa kagandahan ng lugar si Heart Evangelista kaya na engganyo siyang mag invest sa nasabing resort. Nasabi niya ito sa kaniyang vlog, kung saan ay inilibot at ipinasyal rin niya ang kaniyang mga manunuod sa resort. Nasabi rin niya na masaya siya sa naging bunga ng kaniyang pinaghirapan.


Image courtesy: Harlan Boracay | Instagram

Makalipas ang 24 na taon, naisip ni Heart Evangelista na importanteng iinvest natin ang ating pinaghirapang pera. Kung sa ganoon ay darating ang oras na eenjoyin natin ang bunga ng ating pinagtrabahuan. At ngayon ang oras para kay Heart upang enjoyin niya ito.


Image courtesy: Harlan Boracay | Instagram

Ang resort ay mayroong 4 na kwarto kung saan nasabi niyang magandang lugar ito para sa mga mahihilig kumuha ng litraro para sa “Instagram”. Nagustohan niya rin ang banyo sapagkat ito ay maluwag at napaka “fresh-looking”. Maliban sa Dagat na pwede nilang paliguan ay pwede rin silang lumusong sa “Pool” ng resort.


Image courtesy: Harlan Boracay | Instagram

Inanyayahan niya rin ang kaniyang mga manonood na kapag natapos ang pandemya ay bisitahin ang kaniyang resort.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *