Ibinahagi ng aktor na si Ronnie Alonte ang kaniyang ipinagawang “man cave o gaming room” sa kaniyang tahanan

Sa panahon ngayon talaga nga namang nakakasawa ang manatili sa loob ng tahanan lalo na sa mga kabataan. Lalo na ngayon na wala talaga tayong magagawa kung hindi manatili sa loob ng ating mga bakuran. Ginagawa natin ito para tayo ay maging ligtas sa Covid-19.


Image Courtesy: Ronnie Alonte / Instagram


Image Courtesy: Ronnie Alonte / Instagram

Karamihan sa mga kabataan ngayon ay kaniya-kaniyang diskarte upang malibang ang sarili at mapawi ang kaburyohan na kanilang nararamdaman. ‘Yong iba ay nag-eexercise para malibang, ‘yong iba naman ay nakatuon sa social media, at ‘yong iba naman ay naglalaro ng mga online or video games para malibang ang sarili.

Image Courtesy: Loinie TV / Youtube

Tulad na nga lang ng artistang si Ronnie Alonte na kamakailan lang ay nagpagawa ng sariling “man cave” sa kanilang bahay. Talaga nga naman madiskarte ang aktor na ito sapagkat sa halip na matengga ang bodega na ito ay ipinaayos niya at kaniyang pinakinabangan.


Image Courtesy: Loinie TV / Youtube

Ito na ang kaniyang naging paboritong tambayan upang siya ay makapaglaro at makapaglibang lalo na ngayong may pandemya. Ibinahagi niya ito sa kanilang vlog ng kaniyang kasintahan na si Loisa Andalio sa kanilang Youtube account.


Image Courtesy: Loinie TV / Youtube

Ipinasilip nila ito ng magkasama sa kanilang mga tagasubaybay. Ang nasabing “man cave” ay may desinyong doodle art na ang mga kapatid mismo ni Ronnie ang may gawa. Ayon rin sa binata ay may mga gamit na rin dito na nakaayos kahit papaano.


Image Courtesy: Loinie TV / Youtube

Inilahad niya rin na wala sa kanilang plano ang gumawa ng “man cave”. Ito ay aksidenteng naisip lamang nila sapagkat dahil sa pagbaha sa kanilang bahay ay kinailangan nila itong ipaayos. Sinabi rin ni Ronnie ang dahilan kung bakit ito binabaha ay dahil ang parteng iyon ng kanilang bahay ay malapit sa creek kaya kinailangan itong pataasin.


Image Courtesy: Loinie TV / Youtube

Dagdag pa ng binata na dahil sa natirang espasyo sa ibaba ng kanilang bahay kaya niya ito naisipang ipaayos. Bodega lang daw iyon hanggang sa nagawan nila ng paraan upang mapakinabangan ito. Ilan sa mga laman na makikita sa loob ng kaniyang “man cave” ay ang kaniyang billiard table, table tennis, at ‘yong video arcade game na ibinigay mismo sa kaniya ng batikang aktres na si Kris Aquino.


Image Courtesy: Loinie TV / Youtube

Hiling din ni Ronnie na sana ay madagdagan pa ang mga gamit na nasa loob ng kaniyang “man cave”. Aminado naman ang aktor na hindi pa ito perpekto at madami pang kailangan palitan. Binabalak niya rin na lagyan ito na hapagkainan. Pero para kay Ronnie ay sapat na ang kaniyang “man cave” sapagkat lahat ng kaniyang libangan ay naroon na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *