Sino ba sa ating mga Pilipino ang hindi makakakilala kay Mr. Raffy Tulfo. Siya lang naman ang tinaguriang “Sumbungan ng Bayan” nating mga Pinoy. Si Mr. Raffy Tulfo ay isang tagapagbalita sa radyo at telebisyon. Sikat na sikat siya sa kaniyang programa na “Raffy Tulfo In Action” dahil na rin ang pinag-uusapan dito ay ang totoong buhay ng tao.
Image courtesy: Raffy Tulfo | Instagram
Hindi lamang siya sikat sa radyo at telebisyon kung hindi pati social media ay kaniya na rin pinasok. Milyon-milyon ang kaniyang mga “likers” o “followers” sa kaniyang Facebook at Instagram account.
Image courtesy: Raffy Tulfo | Instagram
Image courtesy: Raffy Tulfo | Instagram
Milyon-milyon rin ang naka subscribe sa kaniyang Youtube channel. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit isa siya sa pinakamayamang personalidad sa showbiz ngayon.
Image courtesy: Raffy Tulfo | Instagram
Kamakailan nga lang ay ibinahagi niya ito sa panayam sa kaniya ni Karen Davila para sa kaniyang vlog. Bukod sa kaniyang mga mamahaling polo, meron din siyang koleksyon ng mga mamahaling sapatos at mga kurbata.
Image courtesy: Raffy Tulfo | FB
Ipinasyal niya si Karen Davila sa kaniyang mala-department store na kuwarto na naglalaman lamang ng kaniyang mga sapatos at kurbata. Ipinakita niya ang kaniyang mga mamahaling pag-aari sa unang pagkakataon sa publiko.
Image courtesy: Raffy Tulfo | FB
Ipinahayag niya rin na masaya siyang nakikita ang bunga ng kaniyang pinaghirapan. Inalala niya rin na noong nag-aaral pa lang daw siya ay dalawang pares ng sapatos lamang ang mayroon siya, isang goma at combat boots.
Image courtesy: Raffy Tulfo | FB
Sinabi niya rin na nanghihiram lang daw siya sa kaniyang mga kapatid noon dahil wala raw silang kakayahang bumili ng magandang sapatos.
Image courtesy: Raffy Tulfo | FB
Ang koleksyon naman ni Mr. Raffy Tulfo ng kaniyang mga kurbata ay masasabi mong mamahalin ang tatak tulad ng Hermes, Versace, Gucci, at Louis Vuitton. Samantala ang mga tatak naman ng kaniyang mga sapatos karamihan daw ay Balenciaga, Louis Vuitton, Dolce and Gabbana, Gucci, Burberry, at Christian Louboutin.
Image courtesy: Raffy Tulfo | FB
Ayon din sa kaniya ay ibinibenta niya ang kaniyang mga gamit nang mga sapatos sa kaniyang “Idol Shopping Network” at ang kita ay napupunta sa charity. Dagdag niya rin na tumutulong siya sa mahihirap sapagkat naranasan na niya ang mawalan at maghirap.