Kilalanin si Atasha Muhlach, ang anak ng batikang aktor na si Aga Muhlach at modela na si Charlene Gonzales

Kilalang-kilala si Aga Muhlach sa mundo ng show business. Isa lang naman siya sa pinakamahusay na artista sa industriya ng showbiz. Simula pa noong kaniyang kabataan hanggang sa magbinata siya ay talaga nga namang hindi matatawaran ang kaniyang galing sa pag-arte. Hanggang ngayon nga na isa na siyang ganap na ama ay masasabi mo pa rin na hindi kumukupas ang kaniyang talento.


Image courtesy: Aga Muhlach | Instagram

Mapadrama, horror, action, o romantic man yan ay siguradong kayang-kaya niyang gampanan ang kaniyang magiging karakter. At ngayon nga na siya ay may mga anak na sa kaniyang asawa na si Charlene Gonzales, posible ba na sundan ng kaniyang mga anak ang kaniyang yapak bilang artista?


Image courtesy: Charlene Gonzales | Instagram

Kamakailangan nga ay napahanga ng kaniyang anak na si Atasha Muhlach ang mga netizens nang maging cover girl ito sa isang fashion magazine. Si Atasha ang isa sa kambal na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na mag 20 taong gulang na sa darating na Nobyembre.


Image courtesy: Metrodot Style | Instagram


Image courtesy: Charlene Gonzales | Instagram

Tanong ng karamihan ngayon ay kung susunod ba siya sa yapak ng kaniyang mga kilalang magulang. Ayon sa dalaga hindi naman raw siya tutol sa kaisipan na susunod siya sa yapak ng kaniyang mga magulang.

Sa isang panayam nga sa kaniya sinabi niya na gusto niyang makipagsapalaran sa mundo ng showbiz, sa kadahilanang siya at ang kaniyang kambal na si Andres ay nagkaroon ng masiyang karanasan kapag sinasamahan nila ang kanilang mga magulang sa trabaho dati.


Image courtesy: Metrodot Style | Instagram

Kung sa iba ang tingin sa kanilang pamilya ay isang “Showbiz Royalty” para sa dalaga ay hindi ganoon ang nakikita sa kaniyang pamilya. Ayon sa kaniya bagamat kinikilig siya sa mga komento sa kanila, ang tingin niya raw sa kaniyang pamilya ay mga normal na tao lang din tulad natin.


Image courtesy: Metrodot Style | Instagram

Nakaraan lang sinabi ni Atasha na nag-aaral lang siyang mabuti araw-araw, ngunit kapag dumating daw ang kahit na anong pagkakataon ay tatanggapin niya ito at ituturing na biyaya. Nang tanungin naman siya tungkol sa kaniyang pagkokolehiyo sagot niya na nakaplano silang pumunta ng UK pero ito ay nagbago nang maglockdown muli dahil sa new strain ng Covid-19, sa ngayon daw ay nag-oonline lang siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.